Di kalaunan ay dumating ang client ayon sa schedule. She didn't hesitate. Matulin siyang pumasok sa design lab, kinuha ang sketch tablet, pumili ng tela, inayos ang color palettes at giniya ang mga design assistant na parang siya ang matagal ng leader ng mga ito.
Makalipas ang kalahating oras, nabuo rin niya ang magulong ideya kanina na nasa isip. Sa wakas, giginhawa muli ang client nila na matagal ng nagdurusa sa inconsistent branding at mga negatibong binabato rito. Muling sumigla at nagkaroon ng buhay ang mukha ng matandang kliyente.
"It's really miraculous," the client exclaimed. Pagkatapos non ay binayaran nito ang project fee at iniwan ang opisana na masaya—malayo sa mukha nitong frustrated at depressed kanina nang dumating.
Taas noong lumapit siya kay Raffaelo matapos umalis ang client nila. "How is it?" walang pag-alinlangang tanong niya.
Kumislap ang mga mata nito pero hindi mababasa ang gusto nitong ipahayag. "You're officially admitted. Ito ang talent fee mo ngayong araw.