Pinaikot niya ang mga mata.
“And I also do my research, Mr. Agripino, isa ang restaurant natin sa pinag-uusapan nilang low quality ang inihahain.” Dagdag niya.
“Iyon na pala ang best dishes?” Tanong niya sa lalaki.
Nakita niya ang pagkapahiya sa mukha ni Mr. Agripino, pero hindi pa siya roon natatapos.
Lumapit siya sa isa pang putahe at halos paikutin na naman ang kaniyang mga mata.
“Look at these shrimps. Are you really serving dead shrimps to our customers? Bakit hindi iyong fresh? Bakit kailangan ganitong klase?”
Bumaling siya muli kay Mr. Agripino.
Ang matanda ay namumutla na pero sinubukan nitong magsalita ulit.
“Those weren't dead, Miss Cuesta. Maganda ang storage room ng restaurant, at maayos na iniluluto ng mga chief ang pagkain.”
Umismid siya.
This man, matigas din ang ulo at ayaw tumanggap ng katotohanan.
Binalingan niya si Blue at sinabi, “Please remind me to talk to our kitchen staff this afternoon. This has to stop. Humanap kayo ng bagong supplier para masigura