
His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire
Pagkatapos ng tatlong taon na pagsasama, hindi inaasahan ni Avi na aalukin pa rin siya ni Silvestre ng divorce.
“Can we... not get a divorce?” Pagmamakaawa niya.
Mahal na mahal niya si Silvestre. Iniwan niya ang lahat at pinili ang lalaki sa kagustuhan na makasama ito.
Ngunit bigo pa rin siya, pagkatapos ng tatlong taon, mahal pa rin nito ang dating kasintahan na si Arsen.
At ngayon na bumalik na si Arsen, nais na siya nitong hiwalayan.
Pain, betrayal and regrets were three powerful emotions.
Iyon ang nagtulak kay Avi para pumirma sa divorce agreement at tuluyang iwan si Silvestre.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lalaki, si Avi pala ay isang mayaman at spoiled na anak ng chairman ng AMC Group!
Her real name is Aeverie Dawn Cuesta, daughter of David Cuesta and spoiled sister of Rafael, Uriel and Sage Cuesta!
Kinalimutan niya ang marangyang buhay dahil sa pagmamahal kay Silvestre. Ngunit dahil sa ginawa ng lalaki, napagdesisyunan ni Avi na bumalik sa dati niyang pagkatao.
Gone the sweet-spoken and loving Avi, hello again to the secret millionaire and spoiled Aeverie Dawn Cuesta!
Anong mangyayari kung muling pagtagpuin ang landas ni Silvestre at Aeverie?
Paano kung ang dating walang thrill na Avi ay biglang naging drop-dead-gorgeous and unstoppable Aeverie?
Paano kung huli na para malaman ni Silvestre na nahulog na pala siya sa dati niyang asawa?
At paano kung nabalot na ng yelo ang puso ni Aeverie at hindi na nito kayang magmahal muli?
Baca
Chapter: Kabanata 138: StolenBumalik si Aeverie at Larissa sa silid. Mas naging tahimik si Aeverie at madalas na matulala sa kawalan. Kahit noong dinala na sa kanila ang tsaa ay hindi niya pa rin maibalik ang sarili sa reyalidad. Maraming bagay ang gumugulo ngayon sa isip niya.Minsan ay nararamdaman niyang nakatingin sa kaniya ang kaniyang ina kaya inaayos niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang magtanong ito kung ayos lang ba siya.“Sage is in the Philippines.” Anunsyo bigla ni Uriel sa gitna ng usapan.“Akala ko nasa ibang bansa na ulit si Sage.” Mahinang turan ni Felistia.Ibinaling ni Aeverie ang kaniyang atensyon sa dalawang nag-uusap lalo pa't kuryuso rin siya kung bakit bigla na lang naglaho ang kaniyang kapatid pagkatapos nitong tumulong sa kaniya.Madalas ay umaalis na lang bigla si Sage at lumilitaw ulit kung kailan nito gusto. Kapag may misyon ito, mas matagal na hindi nila nakikita ang lalaki, kaya sinasanay na rin nila ang kanilang mga sarili na ganoon si Sage— lulubog-lilitaw.”I received a call from
Terakhir Diperbarui: 2026-01-01
Chapter: Kabanata 137.4: LuckTuluyang natameme si Maredith. Pakiramdam niya’y pinagtaksilan na naman siya ni David dahil sa ginawa nito. Mas masakit pa, lalo na at may kinalaman kay Aeverie. Noong nalaman niyang nagpakasal si Aeverie sa isang lalaki at nakipagsama rito ng tatlong taon, hindi niya magawang maniwala. Lumaki ito sa piling niya, sinubaybayan niya ang paglaki nito at iningatan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung gaano nito kinasusuklaman ang kanilang pamilya dahil sa masilimuot na relasyon nila. Kaya naisip niyang mahirap para kay Aeverie na magtiwala sa lalaki— hindi ito mag-aasawa agad. Ngunit mali pala siya. Habang lumalaki si Aeverie, nakikita niyang unti-unting nagbabago ang ugali nito. Aeverie was a sweet loving child. Dahil pala-palagi silang magkasama, nakuha nito ang ugali niya. Mahinahon, malambing, at mapagmahal ang batang Aeverie. Ngunit nang tumatanda na ay unti-unti nang nagiging malamig, matigas, at mapag-isa. Hindi na niya mahanap ang d
Terakhir Diperbarui: 2025-12-30
Chapter: Kabanata 137.3: LuckNaupo sila, ngunit hindi natapos ang pagbati at pangangamusta ng tatlong babae para sa unang araw niya sa trabaho bilang pangulo ng hotel. “It was good.” Matipid niyang sabi. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag ang unang araw niya sa trabaho bilang presidente. Siguro ay tunay sanang naging maganda ang kaniyang araw kung hindi lamang sa ginawa ni David. Simula nang maging general manager siya ng hotel ay unti-unti rin nahubog ang kaniyang kakayahan sa pamamamahala ng negosyo. Unti-unti rin nabubuo ang pangarap na mailagay siya sa mas mataas na posisyon. Pinatunayan niya ang kaniyang sarili, hindi siya nagkulang. Bakit kung kailan nakamit na niya ang inaasam na posisyon sa hotel ay saka naman mas lalo niyang naramdaman na walang katapusan ang mga pagsubok na ibinabato sa kaniya ng kaniyang ama? “He didn't tell us about his plan, actually.” Ani Felistia nang mapunta ang usapan kay David. “Not even to Tita Maredith?” Si Rafael na sumulyap sa babae. Nag-angat ng tingin si Maredi
Terakhir Diperbarui: 2025-12-30
Chapter: Kabanata 137.2: LuckSa loob ng restaurant ay sinalubong sila ng manager. Alam nito na darating sila kaya personal na naghintay para salubungin silang magkakapatid. Si Rafael ang kumausap sa manager, samantalang si Uriel naman ang naggiya sa kaniya papunta sa hagdan. Nagbook ng esklusibong silid si Rafael para sa selebrasyon nila ngayong gabi kaya doon sila patungo. “Nasa loob na rin po si Mrs. Felistia, Mrs. Maredith, at Mrs. Larissa.” Rinig niyang sabi ng manager. Napalingon siya sa manager na hanggang ngayon ay kausap pa rin ni Rafael. Narito ang mga magulang nila? Bumaling siya kay Uriel. “Did you invite them?” Sumulyap sa kaniya si Uriel at maliit na ngumiti. “They’ve learned that Dad allowed you to become the President of our hotels. They want to celebrate it, too.” Kumunot ang kaniyang noo. Mas lalong bumagal ang kaniyang mga hakbang. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Maayos na ang relasyon niya sa tatlong babae, pero kahit paano’y may pagkailang pa rin siyang nararamdaman. Dahil
Terakhir Diperbarui: 2025-12-24
Chapter: Kabanata 137: LuckAla singko y media ng hapon ay nasa lobby na ang dalawa niyang kapatid. Kagaya ng sabi ni Rafael, ito ang susundo sa kaniya. At dahil nabalitaan ni Uriel ang tungkol kay Silvestre, sumama ito sa pagsundo kay Aeverie para makita sa personal ang lalaki. Nang matanaw ni Aeverie ang dalawang kapatid sa lobby ay agad niyang binilisan ang lakad. “Hey,” Rafael greeted her first. Nang makalapit siya, agad na idinipa ni Rafael ang dalawang kamay. Maliit na napangiti si Aeverie at sinunod ang gustong mangyari ng nakatatandang kapatid. Niyakap niya ito. Samantalang hindi maalis ni Uriel ang kaniyang tingin sa lalaking nakasunod kay Aeverie. Totoo nga ang sabi ni Rafael, si Silvestre Galwynn ang kinuhang personal bodyguard ng kanilang ama para kay Aeverie.Ilang metro ang layo nito at halatang binibigyan ng distansya ang pagitan nila, ngunit malinaw ang kaniyang mga mata kaya nakilala niya ito agad. He changed his hair style. He looks clean in his military cut. He’s wearing an all black suit
Terakhir Diperbarui: 2025-12-24
Chapter: Kabanata 136.4: DistanceDumiretso sila sa restuarant ng hotel. Sumusunod pa rin si Silvestre at tahimik na nakatingin sa likod ng babae. Narinig niya ang naging usapan ng mga babaeng guest na kanilang nadaanan, ngunit balewala iyon sa kaniya. Nga lang, napansin niyang nilingon saglit ni Aeverie ang mga babae kaya agad na lumayo. Simula kaninang umaga ay may kakaibang kaba sa dibdib niya. Hindi niya magawang kausapin si Aeverie dahil alam niyang magagalit ito sa kaniya lalo pa’t mukhang hindi nito gusto na umaaligid-aligid siya. Kaya mas mabuting tahimik na lamang siyang magtrabaho. Marahil sa susunod na pagkakataon ay magkakausap na sila. Sa ngayon, kailangan niya munang tumahimik at maghintay na ito ang maunang kumausap sa kaniya. “This way, Miss Cuesta.” Sinalubong sila ng usher at iginiya nito si Aeverie. He kept his distance. Ilang hakbang ang layo niya mula sa babae, ngunit sapat lamang ang distansya para hindi ito mawala sa paningin niya at malapitan agad kung kailangan siya. Nang makarating s
Terakhir Diperbarui: 2025-12-22
Chapter: Chapter 245Inooperahan si Rizzo. Nawawala si Yvonne.Parang mababaliw na si Agatha habang sinusuyod ang lahat ng sulok ng ospital. Nagkakagulo rin ang mga empleyado dahil sa nangyari, lalo pa't narinig nila na inaatake ng panic attack ang babae kaya dapat ay isusugod ito ni Dr. Roa sa Emergency room. Ngunit bigla na lamang itong nawala, ay si Dr. Roa naman ay natagpuan na lamang nilang walang malay sa pasilyo.Wala ang mga tauhan ni Klaus dahil abala ang mga iyon sa pag-iimbestiga sa nangyari sa planta at malaking bodega. Sila lamang ni Klaus ang nasa ospital.Pagkatapos nilang maireport ang pagkawala ni Anais, agad na pinatawag ng security head and lahat ng kaniyang mga tauhan at inutusang suyurin ang buong ospital upang mahanap si Anais.Ngunit kahit ano'ng hanap nila ay hindi pa rin matagpuan ang babae.Kapag napapatigil si Agatha, naiisip niyang may kakaiba. Hindi kaya sinadya ito? Their men were busy. She's unfocused. And Klaus, he's unaware.Paano kung noong una pa lang, ito na talaga ang
Terakhir Diperbarui: 2025-10-02
Chapter: Chapter 244Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Yvonne. Umawang ang kaniyang bibig at sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan niya. Sumisikip ang kaniyang dibdib. "Anais?" Ang nag-aalang boses ni Agatha ang saglit na pumukaw sa kaniya. Nilingon niya ang babae at saka niya napagtanto na nanlalabo ang paningin niya. Malamig ang kaniyang mukha ngunit pinagpapawisan ang kaniyang noo. "D*mn it! Call a doctor, Klaus!" Bago pa siya bumagsak, nahawakan siya ni Klaus. Inalalayan siya nito. "What's going on?" Binuhat siya ni Klaus papunta sa mahabang upuan habang pinipilit niyang huminga ng normal ngunit walang hangin na pumapasok sa kaniyang baga. "Von. Von." Ang mahina at nagsusumamong boses ni Agatha ang bumubulong sa kaniya. Kumurap siya, hindi alam na nagpapanic attack na pala siya. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Ang tanging alam niya lamang ay nahihirapan siyang huminga at malabo ang kaniyang paningin. Madalas na lumitaw sa kaniyang isip ang kulay pula— ang kulay
Terakhir Diperbarui: 2025-10-02
Chapter: Chapter 243“We don’t know it yet. Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari sa planta at sa bodega. Ang nangyari kay Rizzo, hindi ko pa sigurado, pero tingin ko ay aksidente lamang.” Pumikit si Yvonne. Mas matatanggap niya pa kung aksidente lamang ito, dahil kung may sadyang gumawa nito kay Rizzo ay hinding-hindi niya mapapatawad. Sisiguraduhin niyang hindi niya ito palalagpasin. Pagkarating nila sa ospital ay agad na tumakbo papunta sa operation room si Klaus. Nakasunod sila ni Agatha at pilit binibilisan ang lakad para masundan si Klaus. Dala-dala niya sa maliit na duffle bag ang mga gamit ni Rizzo. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng kaniyang puso, at sa mahinang boses ay ibinubulong niya ang panalingin na sana’y maayos lang ang kalagayan ni Rizzo. Sa labas ng operation room ay nakatayo ang sekretaryo ni Klaus. “Lumabas na ba ang doktor?” Umiling ang sekretaryo sabay sulyap ng tingin sa kanila. Ang suot na polo shirt ng sekretaryo ay duguan rin. Napaiwas ng tingin si Yvonne. Hind
Terakhir Diperbarui: 2025-09-30
Chapter: Chapter 242Alas dyes na ng gabi, ngunit hindi pa rin umuwi si Rizzo at Klaus. Nasa sala pa rin siya, naghihintay, samantalang si Agatha ay kanina pa umakyat sa kuwarto para patulugin si Akhil.Si Coleen ay kanina pa natutulog. Wala pa rin siyang natatanggap na text galing kay Rizzo. Gusto niya sanang tawagan ang numero nito, lalo pa't parang kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman, ngunit hindi siya mapirmi sa paghihintay na lang.Kahit paano’y nag-alala siya sa mga nangyayari. Biglaan ang pag-alis nito at hindi na nasabi sa kaniya ang dahilan. Hindi niya naitanong kung kailan ito uuwi. Madalas ay hindi siya naghihintay, hinahayaan niya lamang na magtagal si Rizzo sa trabaho nito. Ngunit ngayon, may kakatuwang emosyon na nagpapaligalig sa kaniya. She went straight to the kitchen. Isang tasang kape na ang kaniyang naubos at sapat na iyon para manatiling gising ang kaniyang diwa. Hinugasan niya ang tasa at ibinalik sa lalagyan nito bago siya bumalik sa s
Terakhir Diperbarui: 2025-09-30
Chapter: Chapter 241Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga
Terakhir Diperbarui: 2025-07-19
Chapter: Chapter 240Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,
Terakhir Diperbarui: 2025-07-17

His Fake Wife
Pinakidnap si Aurora isang araw lamang nang dumating siya sa Lanayan.
Nagising siya sa isang maranyang mansyon at nakilala ang taong nagpadukot sa kaniya— si Alted Dela Fuente— ang kaniyang asawa.
Litong-lito siya sa mga nangyayari lalo na nang ipagpilitan nito na siya si Candice Dela Fuente, ang mapanlinlang nitong asawa. Galit, pagkamuhi at disgusto ang nakikita niya sa mga mata ng lalaking nasa harap niya.
Hindi siya si Candice. Kilala niya ang kaniyang sarili, Aurora ang pangalan niya at alam niyang wala siyang asawa at hindi pwedeng magkaroon sila ng ugnayan ni Mr. Dela Fuente. Ngunit sadyang hindi siya pinapaniwalaan ng lalaki, hindi siya nito hahayaang makaalis at makatakas.
Alam niyang pahihirapan siya ng ginoo, ngunit ano bang bago?
Buong buhay niya ay nakakaranas na siya ng paghihirap at pagmamaltrato.
"You can't fool me, Candice, not again." Mr. Dela Fuente told her with gritted teeth.
Ang galit na naglulumiyab sa mga mata nito ang patunay na hinding-hindi siya nito papakawalan.
Paano nga ito maniniwala sa kaniya gayong kamukhang-kamukha niya ang asawa nitong si Candice? Bawat anggulo, mata, ilong at hugis ng mukha maging ang pangangatawan ay parang xerox-copy.
"You're my wife." That statement makes her feel overwhelmed.
Asawa? Imposible, ngunit may nagtutulak sa kaniya na magkunwaring asawa nito. Marami ang dahilan niya para magpanggap bilang si Candice. Ang mga dahilan na iyon ang nag-uudyok sa kaniyang magkunwaring si Candice, hiramin ang pagkatao nito at takasan ang pagkatao niyang si Aurora Sandoval.
He is not his wife.. she is not Candice.
Life is not fair in her past, so maybe she could be HIS FAKE WIFE and pretend to be Candice for a spare time.
She is Aurora and she will be Candice.. the lost wife of the rich and well-known Alted Dela Fuente.
Baca
Chapter: Kabanata 20.3Jehan’s Point of View Hindi naman ganoon kalayo ang mansion ng mga Dela Fuente kaya ilang minuto lang ay natanaw ko na ang pamilyar na malaking gate. Mataas pa rin iyon, mukha mang luma ay halatang matibay pa rin. Ang guwardiyang nakalagi sa guardhouse ay agad na lumapit para buksan ang gate nang makita nito si Nicole. Nakababa kasi ang salamin sa bintanang katabi nito kaya kita agad siya sa loob. “Good morning, Senorita Nicole.” Bati nito sabay ngiti. “Good morning.” Bati pabalik ni Nicole. Nang malaki na ang pagkakabukas ng gate ay at kasya na ang sasakyan ay pinaandar nang muli ni Nicole ang sasakyan. Nakapasok kami at dire-diretso na siyang nagmanahe papunta sa rotunda, sa tapat lamang ng mansion ng mga Dela Fuente. Hindi pa ganoon katagal nang makapunta ako rito. Naaalala ko pa ang intricate exterior design ng mansion, pero ngayon ay nakatulala na naman ako at parang nalululala naman sa rangya ng tahanan. Mayaman ang mga Gazalin. Malaki ang mansion nila at bawat sulok ng t
Terakhir Diperbarui: 2025-12-29
Chapter: Kabanata 20.2Jehan's Point of View True to Nicole’s words, siya na ang nagpaalam para sa amin kay Madame Sole. At may pakiramdam ako na hindi kayang hindian ng matanda si Nicole kaya pumayag ito sa pag-alis namin. Nicole's wearing a white open-knit long-sleeved crop-top. Ang panloob niya’y itim na sports bra. And pang-ibaba niya’y itim na midi-skirt na may mahaba at malaking slit sa kaliwang hita kaya nakikita ang maputi at mahahaba niyang legs. Pinaresan niya iyon ng puting sneakers. At bilang accessory, nagsuot siya ng gintong pulseras at gintong relo. Sa balikat niya’y nakasabit ang itim na shoulder bag na kung hindi ako nagkakamali ay may tatak na LV. She looks chic. Simple lamang ang suot, ngunit sobrang ganda. “Come on, Jehan.” Tawag niya sa akin nang makitang pababa na ako ng hagdan. Tumayo siya galing sa sofa kung saan nilalaro niya kanina ang mga pamangkin. Gising na rin kasi si Zia at kandong ito ngayon ni Daisy. Si Zeke ay naglalaro ng mga laruang cars sa coffee table. Kahit paano
Terakhir Diperbarui: 2025-12-29
Chapter: Kabanata 20Jehan's Point of ViewThe next morning, si Daisy, Clad, at ang anak nilang si Zeke ang naabutan kong nag-aalmusal. I wasn't particularly early or late. Napagtanto ko rin na hindi sila maagang nagigising dito. Ala syete y media ay gising na ako, pero ngayong alas otso lang ako bumaba para mag-almusal na. “Good morning, Tita Jehan.” Ngiting bati ni Zeke nang makita ako. Tinutulungan siyang kumain ng Mommy niya. Sabay na nag-angat ng tingin si Clad at Daisy sa akin. “Good morning, Jehan.” Si Daisy na agad ang pagguhit ng ngiti. Parang nakakahiyang tumawag ng Ate kay Daisy. Kahit na iyon naman ang tawag sa kaniya ni Nicole at ni Nicolas. Mas matanda nga siya marahil sa amin, pero nakakahiya pa rin ang tumawag ng ate. Siguro hindi rin kasi ako sanay na mag-address ng ate kahit sa mga nakatatanda sa akin kasi hirap din akong tawaging ate… si Veda. “Good morning.” “Sumabay ka na sa amin mag-almusal, Jehan.” I smiled politely. Naglabas naman agad ng pinggan at kubyertos ang kasambah
Terakhir Diperbarui: 2025-12-29
Chapter: Kabanata 19.3Jehan's Point of View “Nexon…” I trailed off. Hindi siya lumayo, tumitig lamang siya sa akin. Hindi ko matagalan ang paninitig niya kaya napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-init bigla ng pisngi ko. I’m sure I'm not blushing. Why would I? “Baka… baka may makakita sa atin.” “No one can find us here.” Maagap niyang tugon sa malamig na tono. “Not even your fiancé.” Naibalik ko ang tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya agad ang mga mata ko. Dahil medyo madilim sa parteng ito, madilim din ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung dahil sa anino ng gabi, o dahil sa nararamdaman niyang emosyon kaya ganoon ang mukha niya. “Ano’ng fiancé?” Naguguluhan kong tanong. Tumitig siya sa mga mata ko, parang may hinahanap, pero walang ibang naroon kung hindi pagtataka. “You don’t know? Everyone's talking about you and Nicolas. Ang ilan sa mga bisita ngayon, iniisip na engagement party ito ninyo ni Nicolas.” May kakaiba sa tono niya… parang galit na nang-uuyam. Umawa
Terakhir Diperbarui: 2025-12-26
Chapter: Kabanata 19.2Jehan's Point of View Sa hagdan ay naririnig ko pa ang pang-aasar nila kay Nicolas. Ngunit tinawanan lamang iyon ng lalaki. I don’t know, but it feels like everyone’s thinking that there’s something between us. Pero wala naman. Hindi naman si Nicolas ang ipinunta ko sa lugar na ito. T’yaka hindi sinagot ni Nicolas ang tanong ko kanina tungkol kay Liezel. Maybe there’s something between them? O baka ako lang ang nag-iisip no’n dahil sa nasaksihan kanina sa burol? Nang makarating sa ikalawang palapag, kabado kong tiningnan ang sala— umaasang naroon si Nexon. Ngunit wala. Wala nang tao sa sala at malinis na rin iyon. Umuwi na kaya siya? Sabi niya mag-uusap kami, hindi ba? Napahikab muli ako. Mabilis kong tinakpan ang bibig saka napailing sa sarili. Paano pala kung mahilig sa mga party ang pamilyang Gazalin? Baka magmukha akong killjoy sa paningin nila dahil maaga akong nagpapahinga? Paano kung maoffend sila Madame Sole dahil sa pagkawala ko? Pero sinabi naman ni Nicol
Terakhir Diperbarui: 2025-12-26
Chapter: Kabanata 19Jehan's Point of ViewThe fireworks display was pretty amazing. Nasa labas sila Nicolas, samantalang nasa loob ako ng sasakyan habang pinagmamasdan ang pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Actually, pagkarating namin ay may fireworks na. Kaya nga mabilis na nagsibabaan ang mga kasama ko para makita iyon bago pa matapos. My eyes slowly drifted to where Nicolas’ friends were. Nagtatawanan sila Nasser, Erica at Emman habang kinukunan ng pictures at video ang fireworks. Si Katrina at Jericho naman ay magkayakap malapit sa puno ng acacia. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dahan-dahang paglapit ni Liezel sa pwesto ni Nicolas. Busy si Nicolas sa pagkuha ng pictures kaya hindi napansin ang presensya ni Liezel. Mabagal ang paghakbang niya palapit, parang natatakot na mapansin ni Nicolas. At nang makalapit na nang tuluyan ay tahimik na lamang na tumabi sa lalaki. Bigla’y hindi ko na maalis ang tingin sa dalawa. Ayaw kong pag-isipan ng masama si Liezel. Mukhang malapit naman sila sa isa’
Terakhir Diperbarui: 2025-12-26

Running Away From My Billionaire Baby Daddy
Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan.
Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel.
May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa.
Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba.
Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob.
Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel.
Buntis na pala siya kay Magnus.
Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya.
Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita.
Makakatakas pa ba siya sa dating asawa?
Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak?
O mabubunyag ang kaniyang lihim?
Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Baca
Chapter: Kabanata 50Hindi niya inaasahan ang pagdating ng panganay na anak. Alam niyang si Yamila ay bihirang dumalo sa mga pagtitipong tulad nito. Kaya nga siya naging kampante na isama si Irina ngayong gabi dahil sigurado siya na hindi magpupunta si Yamila sa mga ganitong okasyon. Pero heto ang babae, nakatayo mismo sa harap nila, malamig at hindi mabasa ang anyo. Kahit ayaw niyang aminin, may kakaibang takot pa rin siyang nadarama tuwing kaharap ang sariling anak. “A–ate…” Mahina ang boses ni Irina habang kumakapit sa braso ni Yael, halos nakatago sa anino nito. Hindi niya inaasahan na naroon si Yamila. Sa bawat pagkikita nila, hindi niya mapigilang matakot. At ngayong nasa isang lugar siya na puno ng mga matang naghihintay ng iskandalo, ang kaba sa dibdib niya’y lalo pang lumakas. “Such a coincidence… you’re here too.” Pinilit na ngumiti ni Yamila sa kaniyang ama, subalit agad na lumitaw ang lamig mula sa mga mata niya. Isang tingin lamang, at tila ba alam na ni Yael kung ano ang mga p
Terakhir Diperbarui: 2025-10-26
Chapter: Kabanata 49Sa harap ng napakaraming matang nanonood, pinilit niyang ngumiti, kahit pa pilit ang lahat. “Mr. Pascual misunderstood,” aniya, pilit na pinapahinahon ang tinig. “This is my youngest daughter. “Your youngest daughter?” Kumunot ang noo ni Danico, mas lalong naguluhan. Bigla’y nagkatinginan sa mga mata ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Yael. Naging malamig ang hangin sa paligid. May mga kilay na bahagyang umangat, may mga ngising pilit na pinipigil, ngunit hindi maitatago ang panlilibak. Alam ng lahat na iisa lamang ang opisyal na anak ng pamilyang Marasigan. Kahit na hindi pamilyar sa kanila ang mukha ng totoong apo, sigurado sila na ang apo ng matandang si Yshmael Marasigan ay nag-iisa lamang, at malinaw sa kanilang isip na walang ipinakilala na ibang anak si Yael sa publiko kung hindi si Yamila Marasigan. Maliban na lang ngayong gabi na binibigyan nito ng titulo ang babaeng kasama. Sa kanilang isip, kung hindi si Yamila ang kanilang kaharap, malinaw kung sino si Ir
Terakhir Diperbarui: 2025-10-26
Chapter: Kabanata 48Ang bakas ng damdaming kanina’y nakasilip sa mga mata ni Yamila ay tuluyan nang naglaho. Para bang isang kurtinang marahas na isinara. Inalis niya ang anumang senyales ng kahinaan sa kaniyang anyo. Sa halip, tanging lamig at panghahamak ang naiwan. Sumisilay ang matinding pagkasuklam sa kaniyang mga mata. “Your lover’s here, don’t you plan to say hello to her?” Bahagyang kumunot ang noo ni Magnus sa kaniyang sinabi. Ang malamig na tinig niya ay parang punyal na tumarak sa dibdib ng lalaki, at ang pang-uuyam ay halatang sinadya para ito’y masaktan. Nagpatuloy si Yamila. Ang kaniyang labi’y gumuhit ng malamig na ngiti at puno ng panunuya. “I’m going to greet her now, do you want to go over and let’s greet her together?” Bawat salita’y tila lason. At sa likod ng kaniyang tinig, naroon ang matagal nang pagkadismaya at pagkainis, lalo na’t narito rin si Irina, ang babaeng minsang naugnay kay Magnus at siyang sumira sa kaniyang mga pangarap sa maayos na pamilya. Tumalikod s
Terakhir Diperbarui: 2025-10-22
Chapter: Kabanata 47Naiwan si Aldrin kasama ang kaniyang mga magulang na halata ang galit. “Mom, Dad, I can explain—” “I’ll settle this with you when I get back!” mariing putol ni Arkin, ang mukha’y namumula sa galit. Tumayo ito at walang sabing naglakad palayo dala ang baso ng alak. “You really know how to stir trouble, Aldrin!” Si Ryla, bagaman inis, ay hindi magawang pagalitan nang husto ang anak. Napapabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa nito. Napilitan naman si Aldrin na tumahimik, ayaw nang dagdagan ang kasalanan niya sa kaniyang mga magulang. Tumayo rin ang kaniyang ina at iniwan siya. Mukhang magtutungo ito sa ibang mesa para kausapin ang ilang bisita. May ilang nakapansin sa nangyari sa kanila, ngunit nagpapatay-malisya na lamang para hindi masira ang pagtitipon. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa direksyon kung saan naroon si Yamila at ang lalaking nagpakilala na asawa nito. Bahagyang nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa galit na namumuo sa kaniyang dibdib. Akala niya
Terakhir Diperbarui: 2025-10-21
Chapter: Kabanata 46Hindi na bago kay Magnus ang makakita ng magaganda. Marami na siyang nakilala, marami na ring dumaan sa kaniyang landas. Ngunit sa paningin niya, kakaiba pa rin si Yamila. Hindi lang ganda ang dala nito— may tikas, talino, at isang klaseng alindog na bihirang matagpuan sa iba. Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit si Arkin, na kilala sa pagiging kuripot sa papuri, ay kusa pang nagbukas ng bibig para purihin ito. Si Yamila na kaniyang asawa ay siguradong kalulugdan ng ibang pamilya. Nang maisip na gusto ng mag-asawang Garces si Yamila para kay Aldrin, lalong nagkaroon ng kaguluhan sa kaniyang isip. Bigla siyang nabalisa. Para bang ang kayamanang matagal niyang itinago ay bigla na lamang ipinaskil sa harap ng lahat. “Mr. Esquivel…” Halata ang gulat at pagkalito sa mukha nina Arkin at Ryla. Pati si Aldrin ay hindi agad nakapagsalita dahil sa pagdating ni Magnus.Ang lalaking ito, ano’ng karapatan niya para angkinin si Yamila bilang asawa?! “Mr. Esquivel, what do you mean by that
Terakhir Diperbarui: 2025-10-21
Chapter: Kabanata 45Tahimik na pinagmamasdan ni Arkin si Yamila, kinikilatis ng mabuti ang babaeng dinala ng kaniyang anak. Nakaupo silang apat sa harap ng maliit na entabladong pinasadyang sa banquet hall para sa okasyon ngayon. Dahil kadarating lang ng dalawa, nagtawag ng waiter si Ryla para dalhan ng pagkain si Yamila at Aldrin. Maingat namang sinuri ng mga mata ni Arkin ang dalaga, waring sinusukat ang buong pagkatao nito. Sensitibo siya lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon ng kaniyang mga anak. Ang tanging nais niya ay isang disente at maayos na babae kay Aldrin. At sa mga sandaling lumipas, napansin niya kung paano dalhin ni Yamila ang sarili— disente, elegante, at maingat sa bawat kilos. Maliban sa maayos ito magsalita, ang mga salita nito'y puno ng katalinuhan at kahinahunan, napapansin niya rin na magalang ito. She looks professional and ethical. Maganda ito, at kung hindi pa nabanggit ni Aldrin na isa ring doktor ay iisipin niyang sa showbiz industry ito nagtratrabaho.At dahil doktor r
Terakhir Diperbarui: 2025-10-19