CHANDRIA MIELLE
"So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon.
Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi.
Mahina akong napaubo.
"No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake.
Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin.
"Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate.
Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan."
Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya."
"Wala tayong may pinag-usapan na