NICOLA HAYES
HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan.
Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili.
Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo.
"Paolo, I need your help," natataranta kong turan.
"May nangyari ba?" Inosente niyang tanong.
"Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako."
"Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya."
"Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya.
"Nasa mans