NICOLA
Nakakabinging hiyawan ang gumising ng diwa ko. Nasa gitna ako ng ring ng Fight X arena. Hinahanda ko ang sarili ko pero hindi ko maitago ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ininat-inat ko ang mga daliri, sabik na akong makipag-away. Umagos ang pawis ko pababa ng aking pisngi, pero tinutupok ng apoy ang bawat bahagi ng katawan ko.
The moment I stepped in here, I knew it was no longer just a game. Ibubuwis ko ang buhay ko para sa babaeng importante sa akin. Desperado na kasi akong makita siya muli.
Binigyan ako ng nanlilisik na tingin ni Ezekiel na nasa harap ko, habang pinapatunog ang kanyang mga daliri at ginuguhit ang demonyong ngiti. Nasa kanyang likuran ang mga kapatid na sina Kaelum at Atlas, nakatayo sila sa madalim na angolo pero kitang-kita ko ang malamig at mapanuri nilang ekspresyon. Pareho silang gusto akong lampasuhin para mawala sa paningin nila.
"Hindi ko inaakala na ganito ka katanga, future brother-in-law. Hayan, nandito ka para sirain ang buhay mo," puna niya.