CHANDRIA
"Gumising ka na! Magtatangali na oh!" Naiinis na tawag ni Daphne sa akin.
Tinamad na akong gumising ng maaga pagkalipas ng dalawang linggo ko rito sa Siargao. Marami ang masasayang nangyari, nasagad ko ng husto ang kapayapaan at parang gusto ko nang manirahan dito.
Inuga ulit ni Daphne ang balikat ko. Umungol lamang ako saka bumalikwas at tinakpan ng unan ang ulo. "Five minutes," usal ko.
Pinihit niya ako paharap sa kanya. "Araw-araw na lang, five minutes! Bumangon ka na kasi last day ko ngayon at gusto kong sulitin ang pamamasyal. Bibili pa ak ng souveniers!"
Nakapikit akong ngumiti. "May oras pa naman," tinatamad kong sagot.
"Mag-a-alas onse na! Kung nandito lang sana sila Shiela at Xaira ay hindi kita guguluhin. Ba't ka kasi biglang naging tamad? Sobrang ka di-date mo ba ito kay Joaqin?" Litniya niya. Pinaalala niya na kaming dalawa lang ang nandito kasi matagal nang bumalik sa kani-kanilang bahay sina Shiela at Xaira.
My eyes automatically fluttered open. Bumilis ang tib