CHANDRIA
Nakasimangot akong umupo sa dining table, ni hindi ko pinansin ang triplets.
Maang silang napatingin sa akin, wala ni isa ang nangahas na istorbohin ako. Pakiwari ko ay nagiging matured na ang mga bata dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ngayon. Kahit na itago ko ang naiinis kong mukha, alam nila na nag-aaway kami ng ama nila.
Naisahan ako kagabi ni Nicola at galit ako! Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mapadala sa matatamis niyang salita.
Nakakabaliw.
Sinalinan ko ng tubig ang baso. Nakalapag sa harapan namin ang umuusok na kanin, at iba't ibang ulam para sa agahan pero tanging hotdog ang kinakain ng mga anak ko. Nagkunwari akong mahinahon saka kinuha ang isang pinggang scramble egg na may tomato slices. Wala pa si Nicola kaya pagkakataon ko 'to para masinsinan na humingi ng tawad sa kanila.
But I'm still furious with their father.
"Mom, galit po ba kayo sa amin?" Basag katahimikan ni Liam, siya ang advance mag-isip sa kanilang tatlo na kaagad na nakakahalata sa