Pagbalik ni Anthony sa kuwarto ni Analyn, gising na ito pero nakatulalang nakaupo sa kama niya.
“Bakit? May sakit ka ba?” tanong ni Edward habang naglalakad palapit kay Analyn.
Nang huminto siya sa tapat ng babae ay sinalat niya ang noo nito para tingnan kung may lagnat ito. Hindi naiwasan ni Analyn na pagmasdan si Anthony. Sa totoo, hindi siya nakatulog ng nakaraang gabi dahil sa sinabi sa kanya ni Edward tungkol sa namamanang mental illness ng nanay ni Anthony. Parang ang hirap paniwalaan na meron na rin nung sakit si Anthony.
“Okay lang ako.”
Ngumiti si Anthony. “Good. Get up. Mag-almusal na tayo. Dadalaw tayo kay Elle.”
Hindi na kumontra pa si Analyn at sumunod na kay Anthony.
NAGTAKA si Analyn na hindi sila sa ospital nagpunta. Wala siyang alam na nakalabas na pala ng ospital ang babae. Ang bahay nila ay makaluma, at maliit lang kumpara sa bahay ng lolo ni Anthony na sobrang laki. Ang bahay nila Elle ay parang iyong katulad ng mga napapanood niya sa mga horror na pelikula. Iyon