Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
View MoreBumaba ng taksi si Analyn. Nasa harap siya ngayon ng Peach Blossom Restaurant, isang fine dining na kainan. Ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant sa kabila ng kakapusan niya sa pera? Isinet lang naman siya ng blind date ng Mama niya.
Tiningnan ni Analyn ang pambisig na relo. Sakto lang siya sa oras. Sinadya niyang hindi dumating ng mas maaga sa sinabing oras ng Mama niya. Hindi naman kasi siya interesado sa date na ito. Minabuti ni Analyn na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinalubong siya ng staff pagkapasok niya ng pintuan.
âHi. Reservation under Michael Corpuz?â
Hindi naman sa excited na si Analyn na makita ang itsura ng Michael Corpuz na iyon, pero gusto na niya kasing matapos na ang date na ito.
Tumingin ang staff sa monitor sa harapan niya. Piping ipinalangin ni Analyn na sana ay nag-kansel na lang sana ang ka-date.
âYes, Mam. Table number 15. Kaya lang Mam, as of now, hindi pa po dumarating si Sir Michael.â
Nakaramdam ng tuwa si Analyn. Inisip niya kung hindi na tutuloy magpunta iyong Michael.
âAnyway Mam, Sir Michael called a while ago⌠saying na on the way na rin siya,â nakangiting dagdag nung staff habang nakatingin pa rin sa monitor na tila may binabasa roon.
Hindi napigilan ni Analyn ang mapasimangot. Akala pa naman niya ay magbubunyi na siya ngayon.
âSige, Miss. I will just wait.â
âLet me lead you to your table, Mam,â sabi ng staff at saka nagpatiuna ng naglakad. Wala ng nagawa si Analyn kung hindi ang sumunod.
âMam, gusto nâyo po bang umorder na?â tanong ng staff pagkaupo ni Analyn.
âAy, hindi!â Paano kung hindi dumating ang lalaking iyon? Eh di, ako pa ang magbabayad? No way! â Mamaya na lang, Miss. Water na lang muna.â
âOkay, Mam. Pahatiran ko po kayo ng water.â
TUMUWID ng upo si Analyn. Nangangawit na siya sa pagkaka-upo at nakaka-tatlong baso na siya ng tubig mula kaninang naupo siya. Treinta minutos na ang nagdaan at hindi pa rin dumadating ang lalaking katagpuan niya ngayon. Hindi maalis na mainis si Analyn. Sayang ang treinta minutos niyang itinunganga rito.
Sampung minuto pa uli ang hinintay ni Analyn nang may humahangos na lalaki palapit sa mesa niya.
âAnalyn Ferrer?â nakangiting tanong ng lalaki kay Analyn.
Ngayong nasa tapat ni Analyn ang lalaki, hindi niya alam kung oo o hindi ang isasagot niya rito. Nakaka-turn off ang pawis na pawis at oily na itsura nito. Sungki-sungki ang mga ngipin nito na kitang-kita ngayon dahil sa pagkakangiti. Malalaki ang mga mata nito at parang gustong lumabas mula sa mga eyeball nito. Ang buhok niya ay tila napakatigas at nakakatakot hawakan. In short, kabaligtaran sa sinabi ng kanyang Mama na napakaguwapo ng magiging ka-date niya ngayon.
âA-Ako nga,â napilitang pag-amin ni Analyn.
âGood!â sabi nung lalaki sabay hila sa upuang nasa tapat ni Analyn.
âIâm Michael nga pala. Michael Corpuz,â pagpapakilala ng lalaki na tinanguan lang ni Analyn.
âAlam ko ang sitwasyon mo ngayon,â pagtutuloy ng lalaki, ânai-kuwento na sa akin ng Mama ko. Kaibigan niya raw ang Mama mo. Hindi naman ako mapili sa magiging asawa ko.â
Sinuyod ng tingin ni Michael mulo ulo pababa si Analyn, na ipinagtaka naman ng dalaga.
âPagkakasal natin, mag-resign ka na sa trabaho at sa bahay ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin mo.â
Nagsalubong ang mga kilay ni Analyn sa narinig. âPardon?â tanong niya kay Michael. Hindi niya sigurado kung nagkamali lang ba siya ng rinig sa sinabi nito.
âAnalyn⌠all you have to do is to take care of my two children and my parents. Iyon lang!â
Itinaas ni Analyn ang kamay niya, sumenyas siya ng STOP kay Michael.
âWait. Sandali lang, ha⌠sa tingin ko, hindi ako ang hinahanap mo.â
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Michael.
âMay problema ba? Meron ka bang ibang gusto? Look, meron akong pag-aaring kumpanya. At kapag nagpakasal ka sa akin, ibig sabihin nunââ
âHindi ako magpapakasal sa âyo. Sorry, Michael.â
Or Tito Michael?
Sabi ni Analyn sa sarili. Paano ba naman ay pwede na nga niyang maging tatay ang lalaki base sa hula niyang edad nito. Di hamak na may edad na ito kumpara sa edad niya.
Agad na nalukot ang mukha ni Michael. Hindi niya nagustuhan ang ginawang pagtanggi ng babae sa kanya. Agad siyang tumayo at saka itinaas ang kamay para duruin si Analyn.
âMagsisisi kang babae ka!â galit na sabi ni Michael bago binirahan ng alis.
Nasundan na lang ng tingin ni Analyn ang papaalis na lalaki. Nang nakalabas na ng restaurant si Michael, napasandal si Analyn sa upuan niya habang minamasahe ang sintido niya. Sa susunod, hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin ng Mama niya. Ang sabi nito sa kanya ay guwapo ang kanyang ka-blind date kaya pumayag na rin siya sa kabila ng pag-aalangang makipag-blind date.
Nasa ganoong pagmumuni-muni si Analyn kaya hindi niya napansin ang pares sa kabilang mesa. Isa pa ay natatakpan ng halaman ang pagitan ng mga mesa nila kaya imposible talaga na mapansin niya ang mga ito.
Ang babae ay halos hindi maihiwalay ang kanyang tingin sa lalaking kasama. Palibhasa ay napakaguwapo nito. Lalaking-lalaki ang porma. Tila may x-ray vision ang babae kung titigan ang katawan ng lalaki. Sa isip-isip niya, jackpot siya sa lalaking ito!
Napukaw lang ang atensyon ni Analyn nang marinig ang maarteng pagsasalita ng babae.
âAnthony, tutal ako naman ang bride⌠pwedeng mag-suggest kung saan tayo magpapakasal?â malapad ang ngiti na tanong ng babae na para bang wala sa sarili.
Bahagyang nagtaas ng isang kilay niya ang tinawag na Anthony.
âSorry, Darleen. You did not pass the qualifications of my soon-to-be bride,â walang emosyon na sabi nito.
Biglang naglaho ang ngiti ng babae.
âItâs Charlene, not Darlene,â pagtatama pa nito.
Kumumpas ang kamay ni Anthony, âwhatever. Anyway, you may go.â
Natigilan iyong Charlene sa narinig, pero agad din itong nakabawi.
âAnthony, first meeting pa lang naman natin ito. Why donât we give it a try? Malay mo, sa pangalawa o pangatlong pagkikita natin, mag-jive na tayong dalawa? What do you think?â
Wala pa ring emosyon na tinitigan ni Anthony ang mukha ng babae. Dahil dito, nabuhayan ng loob si Charlene na baka pumayag si Anthony na bigyan siya ng isa pang chance na makilala pa siya nito.
Ngumiti si Charlene nang ubod tamis kay Anthony. Sa tingin niya, kayang-kaya niyang kunin ang loob ni Anthony.
âDo you want to go to a more private place with me?â tanong ni Charlene sa binata.
âMas gusto ko pang mapag-isa kaysa makipagtitigan sa babaeng ilang patong ang foundation sa mukha.â
Napalakas ang pagkakasabi nun ni Anthony kaya narinig ni Analyn ang komentong iyon ng lalaki habang umiinom siya ng tubig. Dahil sa pagka-aliw sa komento ng nasa kabilang mesa kaya hindi niya napigilang maibuga ang tubig mula sa bibig.
âAng harsh naman nun!â mahinang sabi niya habang pinupunasan niya ang bibig at baba na nabasa ng tubig.
Naulinigan ni Analyn ang ingay ng upuan sa kabilang mesa na parang may tumayo mula sa pagkaka-upo. Naisipan niyang tumayo na rin para umuwi na. Pero hindi pa siya nakaka-isang hakbang nang may baritonong boses ang tumawag sa pangalan niya.
âMiss Ferrer!â
-C.J.
Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.âGusto ko sanaâng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa âyo.ââGrapes?â nangingiting tanong ni Edward. ââYung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.â Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.âBakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?â âKasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.âLumapad ang ngiti ni Edward. âSo, babae pala⌠Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?â Bahagyang natawa si Edward. âPinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.âBiglang naw
Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. âIkaw ba si Analyn?â tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. âAko nga.ââHalika, sumunod ka sa akin.âPumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.âIyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?âIsang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan
âWalang kikilos! Taas ang mga kamay!âIsa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. âAnthony!â takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.âSir Eric!!!â sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si
Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. âAi! Anoâng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!ââAnalyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!âNatuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.âAlam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.âNagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.âAlam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.âPinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er
âNoong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.ââNung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.âNapamaang si Analyn sa narinig.âAt para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.ââPero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan siâ Tito Fer? Na m
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. âAi-Ai!â Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. âSabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Anoâng nangyayari?ââSinusundan nâyo ko?â Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. âKailangan. Ayaw na kitang mawala uli.âSi Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. âBakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealistaďźnais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments