author-banner
Cristine Jade
Cristine Jade
Author

Novels by Cristine Jade

I SECRETLY WED the BOSS

I SECRETLY WED the BOSS

Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
Read
Chapter: 439 - GRAPES
Hindi na sumagot si Analyn. Wala na ring sinabi si Edward. Tahimik na nag-usap ang mga mata nila habang sinasariwa ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa mula nung unang nagkakilala sila hanggang sa araw na sumuko na si Edward sa awtoridad.“Gusto ko sana’ng isama rito si Grapes kanina. Gusto ko sana siyang ipakilala sa ‘yo.”“Grapes?” nangingiting tanong ni Edward. “”Yung anak namin ni Anthony. Ilang buwan na pala akong buntis noon, hindi ko alam. Siguro, sa dami at sunod-sunod na problema ko noon, hindi ko namamalayan na ilang buwan na rin pala akong hindi dinadatnan.” Hindi napigilan ni Analyn ang mapangiti.“Bakit Grapes? Lalaki ba siya o babae?” “Kasi sa ubas ko siya ipinaglihi. Pero Antonette talaga ang pangalan niya. Babae.”Lumapad ang ngiti ni Edward. “So, babae pala… Antonette. Parang tunog Anthony din, ah?” Bahagyang natawa si Edward. “Pinagsamang Analyn at Anthony kasi. Si Papa Damian kasi ang nagpangalan sa kanya, so ayaw ko namang kontrahin pa si Papa.”Biglang naw
Last Updated: 2025-06-29
Chapter: 438 - ITIM NA ROSAS
Pagkatapos ng isang buwan ng kamatayan ni Eric, nagpunta si Analyn sa bahay ng mga Hidalgo. “Ikaw ba si Analyn?” tanong ng matandang mayordoma na sumalubong kay Analyn sa gate.Tumango si Analyn. “Ako nga.”“Halika, sumunod ka sa akin.”Pumasok sila sa loob ng bahay at saka binaybay iyon. Humanga si Analyn sa disenyo nito. Hindi pa siya nakaka-move on sa paghanga sa bahay ng nakita na niya ang lagusan palabas, at humantong sila sa likod-bahay. Mula roon, naglakad pa sila ng ilang metro. Abot-tanaw na ni Analyn ang bundok, pero pala-isipan pa rin sa kanya kung ano ba ang tinutukoy ni Eric sa bahaging ito ng bahay ng mga Hidalgo. Hanggang sa lumantad sa kanya ang ekta-ektaryang tanim ng mga kulay itim na mga rosas.Napatda si Analyn sa kinatatayuan niya. Pakiramdam niya ngayon ay nasa isa siyang panaginip. Naalala niya ang isang eksena noon sa pagitan nila Anthony at Eric.“Iyan na ang pinakamahal na bulaklak na kaya mong ibigay kay Analyn?”Isang bouquet iyon ng mga tulips. Sinamaan
Last Updated: 2025-06-29
Chapter: 437 - MINAHAL KITA
“Walang kikilos! Taas ang mga kamay!”Isa-isang nagsipasok ang mga unipormadong mga pulis at saka nilapitan ang apat na nilalang doon. Pero nagpumilit na makabangon si Eric at saka ubos-lakas na sinipa si Anthony, dahilan para bumagsak ito sa lapag palayo kay Eric. At dahil may iniindang sugat, hindi na nakuha ni Anthony na makatayo pa. “Anthony!” takot na sigaw ni Analyn. Akma sanang tatakbuhin ni Analyn si Anthony pero nagulat siya nang biglang dambahin ni Eric ang tumilapon niyang baril, kaya napahinto sa paglapit si Analyn kay Anthony. Ang unang naisip ni Analyn ay babarilin ni Eric si Anthony. Pero nagkamali siya, lahat sila ng akala. Dahil mabilis na itinutok ni Eric ang baril sa sintido niya.“Sir Eric!!!” sigaw ng sekretarya ni Eric at saka tinakbo ang amo.Nanlaki naman ang mga mata ni Anthony habang nakatingin kay Eric. Habang si Analyn ay nanigas at nanlamig bigla ang katawan. Pilit na inagaw ng sekretarya mula kay Eric ang hawak nitong baril. Pero hindi nagpadaig si
Last Updated: 2025-06-29
Chapter: 436 - ANG KATOTOHANAN
Parehong nagulat ang dalawang lalaki nang narinig nila ang pamilyar na boses na iyon. “Ai! Ano’ng ginagawa mo rito? Umalis ka na rito!”“Analyn! Paano kang napunta rito? Ipinakulong kita para hindi ka maging sagabal dito sa plano ko!”Natuon ang atensyon ni Analyn kay Eric dahil sa sinabi nito.“Alam ko na, Eric. Alam kong ikaw iyon.”Nagsalubong ang mga kilay ni Eric, habang ang baril ay nakatutok pa rin kay Anthony. Dahan-dahang naglakad si Analyn palapit sa kanilang dalawa.“Alam kong gumugol ka ng maraming oras at effort para mapalapit sa akin dahil ang pagkakaalam mo, pinatay ni Papa Damian ang kapatid mo. Eric, inatake siya. Hindi Diyos si Papa Damian. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para isalba ang kapatid mo. Pero nasa itaas na ang desisyon kung hanggang saan na lang ang buhay niya. Naging determinado ka na maghiganti sa doktor. Inisip mo na huwag na rin siyang mabuhay.”Pinipigilan ni Analyn ang pag-iyak niya habang sinasabi niya iyon. Gusto niyang masabi lahat kay Er
Last Updated: 2025-06-27
Chapter: 435 - SANDALI
“Noong mga panahong iyon, nasa rurok ang mga negosyo natin. Kasikatan nito noon. Aminado ako, sa sobrang abala namin, napapabayaan ka na namin. Kaya laking pasalamat ko kay Anthony at sa Lolo niya, at kahit paano, nagkaroon ka ng sandaling matutuluyan at makakasama noon habang busy kami. Pero si Fer, laging nakadikit sa amin ni Sixto noon.”“Nung nawala ka, ipinadala sa amin ni Fer ang dalawang anak niya. Si Brittany at si Alfie. Para raw malibang kami, hindi kami malungkot ni Sixto. Tapos nangibang-bansa na siya pagkatapos nun at hindi na bumalik dito sa Tierra Nueva mula noon. Ang bali-balita, may kinakasama na siyang lalaki rin doon.”Napamaang si Analyn sa narinig.“At para manatiling sikreto ang tungkol sa dalawang bata, hindi namin ipinagsabi na hindi namin anak sila Brittany at Alfie. Para na rin hindi na maungkat ang totoong katauhan ni Fer. Hanggang sa nasanay na ang mga tao na anak namin ni Sixto ang dalawa.”“Pero kahit kailan ba hindi ninyo pinaghinalaan si– Tito Fer? Na m
Last Updated: 2025-06-27
Chapter: 434 - TEN MILLION
Hindi namalayan ni Analyn na napalayo na siya sa kalalakad. Nakaramdam na siya ng pagod at nakarating sa isang parke. Minabuti niyang maupo na muna roon. May mga batang naglalaro sa parke at naengganyo siyang manood sa paglalaro nila. Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga impormasyon na nalaman. Nang umalis na ang mga batang naglalaro ay naiwan pa rin si Analyn doon, nakatingin lang sa kawalan. Sakto na may dumating na isang pamilyar na sasakyan at bumaba roon ang lalaking kanina pa nag-aalala kay Analyn. “Ai-Ai!” Saka lang naputol ang mga iniisip ni Analyn. Nilingon niya ang tumawag sa kanya. “Sabi ni Jiro kanina ka pa umalis sa bahay mo. Ano’ng nangyayari?”“Sinusundan n’yo ko?” Alanganin si Anthony kung sasagutin ang tanong ni Analyn. Pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo. “Kailangan. Ayaw na kitang mawala uli.”Si Analyn naman ang hindi nakasagot. Sa totoo lang, nakaramdam siya ng tuwa sa isinagot ng lalaki. “Bakit ka nandito? Hindi ka ba galit sa akin? Iniiwas
Last Updated: 2025-06-24
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
Read
Chapter: 9 - NANIWALA
Ipinarada ni Raven ang sasakyan niya sa harapan ng gate ng eskwelahan. Oras na ng uwian ni Maddison. “Mama!” Nakangiting hinalikan ni Raven ang anak pagkasakay nito sa kotse. “Alam mo ba, Mama… nagkagulo kanina sa room namin nung dumating si Auntie Ingrid. Sinaktan siya ng ibang mga nanay doon kanina!” “Ow? Talaga?”Sa totoo lang, inasahan na ni Raven na ganun nga ang mangyayari. Pero kailangan niyang magpanggap sa anak na nabigla siya sa ibinalita nito sa kanya. “Oo, Mama! Dapat nga tutulungan siya ni Mason. Pero hinila ko si Mason palayo roon sa bugbugan. Biro mo, ang payat-payat niya tapos sasali pa siya run?” “Kumusta naman si Ingrid?” “Ayun! May sugat-sugat siya sa mukha saka sa mga braso niya. Mabuti na lang Mama, ang galing ni teacher! Naawat niya ‘yung mga nanay! Tapos pinaalis na niya agad si Auntie Ingrid saka si Mason.” Tumango-tango si Raven, at saka binuhay na ang makina ng sasakyan niya. “Pero alam mo, Mama… naririnig ko nagsasabi ng bad words ‘yung mga nanay ka
Last Updated: 2025-09-13
Chapter: 8 - ANG NANAY NI MASON
Si Dean Jose Mercader ang tumayong advisor ni Raven sa kolehiyo. Istrikto ito pero alam ni Raven na gusto lang naman nito na maging matagumpay siya sa kursong pinili niya. Nang lihim siyang nagpakasal kay Caleb, sinadya niyang hindi ipaalam iyon kay Dean Jose. Hindi siya huminto sa pag-aaral at desidido siyang tapusin ang kurso. Kahit pa nung i-enroll siya ng biyenan sa mga kurso ng culinary, flower arrangement at appreciation classes, hindi niya pinabayaan ang pag-aaral niya. Pinilit niyang hatiin ang oras niya sa mga kursong nabanggit. Pero ng nabuntis siya at minsang nagkaroon ng spotting, inutusan siya ng biyenan na mag-drop out na sa kolehiyo. Walang magawa si Raven, gusto man niyang mag-aral pa at nanghihinayang dahil halos isang taon na lang ang kailangan niyang bunuin para matapos ang kurso, pero kailangan niyang iprayoridad ang pamilyang binubuo nila noon ni Caleb. Dahil wala namang alam sa totoong sitwasyon niya, hindi nagustuhan ni Dean Jose ang desisyon niyang huminto s
Last Updated: 2025-09-13
Chapter: 7 - ERIS MERCADER
Nahalata ni Raven ang pagpa-panic sa boses ng guro. Pero kalmado niya itong sinagot. “Teacher Mye, sorry. Pero hindi na ako ang tumatayong nanay ni Mason. Kung ano man ang concern mo ngayon diyan, ang tatay niya ang tawagan mo.”“Hindi na ako makikialam sa kung ano mang problema ni Mason. Si Maddison na lang ang responsibilidad ko,” pahabol pa ni Raven.[“Ha?”] Hindi malinaw kung nabigla o naguguluhan ang guro sa mga sinabi ni Raven sa kanya. [“Pero, Mrs. Go. Ikaw daw ang nagbigay nung mga candy na iyon kay Mason, kaya nararapat lang na pumunta ka rito ngayon. Mabuti na lang at naagapan namin ang mga bata, kung hindi, baka kung ano pa ang nangyari sa kanilang lahat!”]Narinig ni Raven ang tila sabay-sabay na mga boses na nagsasalita sa background ng kausap. May ilan pa ngang tila galit at pasigaw ang pagsasalita. [“Naririto lahat ang mga magulang ng mga bata. Ini-insist nila na pumunta ka ngayon din dito, Mrs. Go. Please po, pakiayos n’yo po ito. Ngayon din.”]“Teacher Mye, si Mrs
Last Updated: 2025-09-12
Chapter: 6 - CANDIES
Kasalukuyang nasa meeting si Caleb ng mag-vibrate ang telepono niya. Raven calling…Napaismid si Caleb ng nakita ang pangalan ni Raven sa screen ng telepono niya. Hindi siya nagkamali ng hula.Kinansela niya ang tawag ni Raven. Sa totoo lang, pangatlong beses na pagtawag na ni Raven iyon at sa tuwing tatawag ito ay kinakansela niya ang tawag. Alam na alam naman ni Raven ang patakaran niya. Hindi siya pwedeng tawagan kapag oras ng trabaho niya. Pero nakalipas lang ang ilang minuto ay muling tumawag si Raven. Sa halip na mainis sa asawa dahil sa pagsira sa patakaran niya, nakangising dinampot ni Caleb ang telepono niya para sagutin ang tawag nito. “Kumain na ako ng lunch, huwag ka ng mag-abalang magdala ng lunch ko,” may pagyayabang sa boses na sabi ni Caleb sa kausap.Napahinto sa pagsasalita ang manager na kasalukuyang nagbibigay ng report niya. Ang ibang naroroon sa meeting ay hindi napigilang mapalingon sa gawi ni Caleb ng bigla itong nagsalita ng pagalit. Ang iba ay hinulaan pa
Last Updated: 2025-09-12
Chapter: 5 - ANG LUNCH BOX
Ininom na ni Caleb ang tubig. Habang umiinom, hindi maalis ang inis na nararamdaman niya. Ano ba ang pumasok sa isip ng asawa at tinitikis silang dalawa ng anak nila? Dati, kapag ganitong oras ng almusal ay may nakahain ng masarap na almusal. At kapag nagtalo silang dalawa, awtomatiko na hahatiran siya ng masarap na tanghalian ng asawa sa opisina niya. Bigla tuloy naalala ni Caleb ang eksena nila sa mesang ito kapag agahan. “Wow! Arroz Caldo!” masayang sasabihin ni Maddison, ang magana nilang anak. “Yuxk! Bakit may manok na nakababad? Ayoko ng manok na nakalagay sa lugaw, nakakasuka ang lasa niyan!” pagrereklamo naman ni Mason.“Ang arte nito! Arroz Caldo ‘yan, hindi lugaw,” pagkontra ni Maddison sa kapatid.Inirapan ni Mason ang kapatid na babae. “Pinaganda mo lang ang tawag, pareho lang din naman sila. Kanin na nilagyan ng sabaw.”Dahil sa narinig na pagtatalo ng magkapatid, masamang tiningnan ni Caleb ang asawa. “Raven, ilang beses ng sinabi sa iyo ni Mama na huwag ka ng naglu
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: 4 - HINDI NA SIYA BABALIK
Pagkaraan ng halos isang oras ay dumating na ang doktor na ipinatawag ni Caleb. Binigyan niya ng gamot sa allergy si Mason, kaya naman unti-unti ng nawala ang mga pantal nito.“Mr. Go, mayamaya lang ay tuluyan ng mawawala ang allergy ni Mason. Sobrang effective ng gamot na itinurok ko sa kanya. Pero sana ay huwag na uli natin siyang pakainin ng mga pagkain na bawal sa kanya. Hindi nila-lang ang allergy. May mga cases na nahahantong sa kamatayan ang mga ganitong sakit.”Tahimik na tumango lang si Caleb. Nakakatakot ang aura nito. “Mr. Go, magpapaalam na po ako. Kapag may napansin kayong kakaiba sa bata, tawagan n’yo na lang ako.”“Ibibigay sa iyo ng kasambahay ang bayad.”“Salamat po.”Tahimik lang na nakahiga si Mason sa kanyang kama mula pa kanina. Lihim niyang ipinagpasalamat na wala ang ina ngayon. Kung nagkataon, katakot-takot na sermon na sana ang inabot niya mula rito. Parang naiisip na niya kung ano ang mga sasabihin nito sa kanya kung nagkataon. Ganundin, naisip niya ang tiy
Last Updated: 2025-09-09
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status