Muli silang naglabanan ng tingin.
“Bakit ka ba ganyan? Ano ba’ng problema mo? Naayos ko naman na iyong issue mo sa contest, ah? Everything has been settled.”
Dahil sa muling pagkaka-alala sa topic na iyon, muling bumalik ang lungkot na naramdaman ni Analyn ilang araw na ang nakalipas. Ang kakaibang lungkot na iyon.
“Sa tingin mo, pagagalitan kaya ako ng Papa ko dahil nagdesisyon akong mag-isa na magpakasal sa iyo kapalit ng pambayad sa ospital niya pero malungkot naman ako sa buhay ko ngayon?”
Pakiramdam ni Anthony ay para siyang sinuntok sa mga binitiwang salita ni Analyn. Masakit para sa kanya na malungkot pala ito sa piling niya. Pero sabi nga ni Analyn, Presidente siya ng isang grupo ng mga kumpanya. Hindi siya pwedeng magbaba ng lebel.
“Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo noon. Contractual lang ang relasyon natin. Tinulungan mo ako kay Lolo Greg. Tinulungan din naman kita sa pagpapagamot ng Papa mo. Fair deal, di ba? Ano pang ikinagagalit mo ngayon? Tumupad naman ako sa usapan