Maghanap
Library
Home / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 200 - KAMUKHA NG KAIBIGAN

200 - KAMUKHA NG KAIBIGAN

Author: Cristine Jade
2025-02-19 13:11:31

Kinakabahan si Analyn habang nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwartong nilabasan nila kanina ni Vhance. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang maniwala sa ideya ni Brittany.

Pero wala na siyang magawa kung hindi kapitan iyon at si Brittany. Alang-alang kay Vhance. Sa pag-aanalisa niya, kasalanan ni Anthony kung bakit bumagsak ang kumpanyang ipinahawak niya rin kay Vhance. Si Anthony ang puno’t dulo ng lahat ng ito, at gusto niyang tulungan si Vhance para iparating kay Anthony na hindi dapat kakompitensya ang tingin sa isang kapamilya.

Suot na niya ang damit na ibinigay ni Brittany. Ganito raw manamit ang kakilala ng Papa niya.

Kinuha ni Analyn ang alak mula sa dumating na waiter, at saka lakas-loob na pumasok sa loob ng kuwarto kung saan naroroon ang Papa ni Brittany.

Nagulat si Analyn ng makita na maraming tao sa loob. Mga disenteng kalalakihan na naglalaro na ng baraha. Napalunok na lang si Analyn ng magtinginan sa kanya ang lahat sa pagpasok niya.

Tumaas ang isang kil
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App