Cari
Pustaka
Beranda / Romance / I SECRETLY WED the BOSS / 202 - BAKIT HINDI MO SINABI

202 - BAKIT HINDI MO SINABI

Penulis: Cristine Jade
2025-02-19 15:42:08

Hindi inaasahan ni Anthony ang isinagot ni Analyn. Hindi rin niya alam kung ano pa ang dapat niyang sabihin sa babae. Hanggang sa binuksan na ni Analyn ang pintuan sa tapat niya at saka bumaba ng sasakyan.

Hindi nagtangka si Anthony na habulin ang babae. Napasandal na lang siya sa upuan. Ipinatong niya ang ulo sa head rest at saka mariing pumikit.

Dahil sa nasaksihang pag-aaway ng dalawa, hindi nakatiis na hindi magsalita ni Karl.

“Bakit hindi mo sinabi sa kanya, boss?”

Bahagyang nagdilat ng mga mata si Anthony at saka tumingin kay Karl.

“Ano’ng sasabihin ko?”

“Dapat sinabi mo sa kanya na nasa importanteng event ka kanina, at ng malaman mo na kausap niya si Sixto Esguerra iniwan mo ‘yung event para puntahan siya. Alam ko, malaki ang nawala sa iyo ngayon sa negosyo mo dahil mas pinili mo siya.”

Naihilamos ni Anthony ang kamay niya sa mukha niya. Makukuha na niya sana ang project, mananalo na sana siya sa bidding, kung hindi siya nagmadaling umalis. Panigurado, kay Edward napunta
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi