Nagulat si Analyn na nandoon siya sa lugar malapit sa coffee shop ni Cora. Nakatayo siya sa walkway ng baywalk. Hindi pa niya maisip kung paano siya napunta roon nang biglang sumulpot si Anthony sa tabi niya.
Hinawakan nito ang isang kamay niya at saka bahagya itong pinisil.
“We will be together forever,” seryosong sabi ng lalaki sa kanya.
Hindi sumagot si Analyn, naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Hanggang sa unti-unti ay biglang lumalabo ang mukha ni Anthony. Parang drawing lang na binubura ng pambura ng lapis ang mukha niya hanggang sa tuluyang hindi mo na makilala ang mukha niya.
Bumalikwas ng bangon si Analyn. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nasiguro niyang nasa kuwarto siya sa bahay ni Anthony. Napahawak si Analyn