Dala-dala ang biniling wine at whisky sa mini store at pumunta na sa bahay ni Betty. Ang small party na ini-expect niya ay hindi naman pala "small".... Halos andoon na ata ang lahat ng estudyante sa university nila.... Hindi siya ininform ni Betty!
Tatalikod na sana siya at uuwi nang tinawag na siya nito.
"Heaven!" Pasuray-suray itong papalapit sa kanya at mukhang lasing na... Alas-nueba pa lang ng gabi pero madami na itong nainom? tanong niya sa sarili.
"Hey girl!... I’m glad you're here."
"Sabi mo small party lang? Bakit parang buong university ata andito?"
"Hihihi... Alam mo naman ako, friendly. Siyempre madami akong friends kaya madami din akong ininvite."
"Uuwi na lang ako." nahihiyang wika niya.
"No! Andito ka na eh... Why don't you have fun? Have a one-night stand with one of the boys here? Go, kiss somebody, make out with the boys!"
"Betty!" saway niya sa kaibigan. Hindi, hindi na niya gagawin ang pagkakamali niya noon kay Theo. Tama na yung si Theo lang ang naka-one-night-sta