Share

CHAPTER 51

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-04-30 07:38:18

"After you graduate, babalik ka ba sa Philippines to pursue your career?"

"I don’t know... pinag-iisipan ko pa..."

Napaisip siya sa tanong ni Nolan. Why not doon na lang siya magtrabaho sa America para makaiwas kay Theo?

"How about you?" balik-tanong niya.

"Depende kung saan ang opportunity."

Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon.

"Ahm... can I ask for your number, Heaven?"

"Huh?... Why?"

"Ahm wala naman, friend naman na siguro tayo, di ba?" nahihiyang wika nito.

"Sorry, hindi ako nagbibigay ng number ko." sagot niya. Ayaw kasi niyang maraming tumatawag sa kanya na kung sino-sino. Wala siyang panahon makipagkwentuhan.

"Ahm... maiiwan muna kita Nolan, pupuntahan ko muna si Betty..." Hindi na niya ito hinintay na sumagot at umalis na, saka dali-daling pumasok ng bahay. Hindi siya interesado makipagkaibigan sa kahit na sino ngayon... lalo pa’t lalaki. Doon nag-uumpisa ang mga panliligaw ng mga ito... kakaibiganin ka, tapos liligawan.

"Betty!" sigaw niya nang makita ang kaibigan.

"Hey, H
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
lei Durain
update please ...
goodnovel comment avatar
Nimpha
more update please
goodnovel comment avatar
Alma Galicinao-Jubinal
update plz
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 118

    Nagsuot lang siya ng roba. Hinayaan niyang magulo ang buhok niya saka lumabas ng kwarto. Nakasunod naman si Theo sa kanya.“Yaya, nakita mo ba si Aero?” tanong nya sa yaya ng makarating na sila ng kusina“Sinong Aero?”“Si Aero, ang bata na kasama namin kagabi!” inis na sabi niya.“Ah, Aero pala ang pangalan nun... ang akala ko kasi sabi niya sa akin kanina ay Iro.”Gusto niyang matawa. Bisaya kasi si Yaya kaya matigas ang pagkakabigkas nito.“Nandoon siya sa garden. Gusto daw niya tumulong sa akin. Inagaw niya ang hose at siya na daw ang magdilig ng halaman.”Agad silang pumunta sa garden. At andoon nga ang bata. Nakatalikod ito sa kanila habang hawak ang hose at nakatutok sa mga halaman. Para na itong malaking mama kung gumalaw. Alam na alam nito ang ginagawa.“Hey, buddy!” tawag-pansin ni Theo sa bata.“Hi Mom, hi Dad!” Agad itong ngumiti nang makita sila.“Ano ang ginagawa mo d’yan, anak?”“Tumutulong po kay Yaya Meding.”“Hayaan mo na sila sa trabaho nila. Bata ka pa, hindi mo pa

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 117

    Habang tahimik nilang binabaybay ang daan pauwi sa kanila, ay nakasandal si Aero sa kanya, tila pagod na pagod sa kakaiyak. Naawa siya sa bata. Hinaplos niya ang buhok nito.“Pagod ka na, baby?”Tumango ang bata.“Why don't you sleep muna?”Hindi sumagot ang bata pero pinikit nito ang mga mata. Muli siyang napatingin sa rearview mirror nang maramdamang nakatingin si Theo sa kanya.“Thank you, sweetheart.”“Welcome, Theo... Nakakaawa din talaga si Aero.”Pagdating nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng kasambahay.“Ma’am Heaven, Sir Theo, tulungan ko na po kayo,” wika ni Yaya Meding habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo.“Abay kaninong anak itong cute na ito?” nakangiting wika ni yaya.“Ahm, anak siya ni Theo, yaya.”Agad na natigilan si Yaya Meding.“Anak mo, Sir Theo? Paanong... ”“Pakihanda nang guest room para kay Aero, Manang,” putol niya sa dapat na sasabihin ni Yaya Meding. Baka marinig ni Aero at sumama ang loob nito. “Pero sa kwarto ko muna siya ngayon matutulog

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 116

    Malungkot silang umuwi sa bahay nina Theo. Pinaasikaso na niya ang bangkay ni Aubrielle sa ospital. Panay ang iyak ni Aero. Biglaan man ang pagkamatay ni Aubrielle, pero alam niyang masaya naman ang babae dahil naihabilin nito ang anak sa kanila ni Theo.Pero siya at si Theo, handa bang maging pangalawang magulang kay Aero kahit pa alam niyang may posibilidad na hindi ito tunay na anak ng nobyo niya? Kaya ba niyang mag-alaga ng anak na hindi kanya?"Tita Heaven... paano na ako... wala na akong mama huhuhuh..." Yumakap si Aero sa kanya. Nasa likod sila ng kotse dahil si Theo ang magmamaneho."It's okay, baby. Sabi nga ng mama mo, ako na ang bago mong mommy, ‘di ba?" sagot nya sa bata. Maging siya ay nagulat sa sagot niya. Hindi niya iyon pinag-isipan, galing iyon sa kanyang puso. Siguro nga ay willing siyang maging ina ni Aero kahit pa hindi niya ito anak. How can she refuse this sweet little child?Napatingin siya sa rearview mirror. Nakatingin din pala si Theo sa kanila. Nginitian si

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 115

    HEAVEN'S POV:Nakatingin lang siya habang niyayakap ni Aubrielle ang anak nitong si Aero, pero may tumatakbo sa utak niya. May tinatago si Aubrielle at duda siyang anak nga ni Theo si Aero.Kung talagang nagsasabi ng totoo si Aubrielle, ay bakit ayaw nitong ipa-DNA si Aero at Theo? Bakit tila takot, at bakit parang may tinatago? 'Di ba dapat yun ang tamang gawin ni Aubrielle para sa anak nito?Naawa lang siya sa babae dahil may taning na ang buhay nito. Marahil ay iniisip nito ang kalagayan ng anak, na wala itong mapag-iwanan sakaling mamatay na ito.Pero kapag ba mamatay si Aubrielle at maiiwan sa kanila si Aero, ready ba siyang maging madrasta ng bata? Hindi niya alam, lalo pa't may anak din siyang paparating."Tita Heaven..." tawag-pansin ni Aero sa kanya."What is it, sweetheart?" malambing na sagot niya sa bata."Kapag ba lumabas na si baby sa tummy mo, ay magiging kuya na ako?"Nagkatinginan sila ni Aubrielle saka si Theo.Klinaro muna nya ang bara sa kanyang lalamunan bago suma

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 114

    Pagkatapos ng kanyang lab ay muli silang bumalik sa clinic ni Heaven. Tulak-tulak siya ng nurse at hawak nito ang lab results niya. Andoon na si Heaven at Liza na naghihintay sa kanya. Hindi niya nakita si Theo at Aero doon. Hindi niya alam kung nasaan."Nasaan ang anak ko?" tanong niya kay Heaven."Wag mo silang alalahanin, Aerobelle. May pinuntahan lang sila." Bigla siyang kinabahan. 'Di kaya ang pa-DNA testing na ang dalawa?"Aerobelle…" tawag pansin ni Heaven sa kanya habang hawak ang resulta niya. Nagkatinginan muna ito at si Liza bago magsalita."Bakit, Doc? Mamamatay na ba ako?" Alam naman niya na walang positibong sasabihin ang mga ito. Stage 4 na ang cancer niya at wala na siyang pag-asang gumaling."Wag mo sabihin 'yan, Aerobelle. Wag kang panghinaan ng loob. Hindi man namin magamot ang sakit mo, at least man lang madugtungan ito. Pero kailangan mong maging bukas sa lahat ng posibilidad.""Naiintindihan ko, Doc…" maluha-luhang sabi niya."…Ilang buwan na lang ba ang itatagal

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 113

    Masaya ang lahat pagdating ni Heaven doon. Maging ang mga magulang ni Theo ay masaya din. Na-left out siya. Isa lang naman talaga silang saling-pusa ni Aero doon, namamalimos ng pagmamahal.Pagkatapos nilang maghapunan ay pumasok na si Heaven at Theo sa kwarto nito. Doon matutulog ang dalaga, samantalang hindi man lang sila binisita ni Theo sa kwarto nila gaya ng ginagawa nito dati. Nasa kay Heaven na ang atensyon nito. Nakatulog na si Aero sa tabi niya. Hinahaplos niya ang buhok nito habang naluluha at pinagmamasdan ang inosente nitong mukha. "Sorry anak, pero hindi ako makakapayag na mawala ka sa pamilyang ito. Sila na lang ang pwede kong pagkatiwalaan sa’yo. Ang gusto ko lang ay maibigay ang buhay na makakabuti sa’yo habang andito pa ako sa mundo. Sisiguraduhin kong hindi ka maagrabyado. Mahal na mahal kita, anak," Lumuluhang sabi niya saka hinalikan sa noo ang anak.Umayos siya ng higa para matulog na. Napapangiwi pa siya dahil mahina na ang katawan niya. Halos hindi na niya kay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status