LOGINKasalukuyang nasa bar si Heaven at nagpapakalasing. Kaka-break lang nila ng nobyo dahil nahuli niya ito at ang bestfriend niyang nakapatong sa isa’t isa sa mismong pamamahay niya! Nasaktan siya, hindi dahil naagawan siya ng boyfriend, kundi nasaktan ang pride niya dahil isang pipitsuging lalaki lang ang nakagawa noon sa kanya. Kung tutuusin, hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Shes an independent woman, mabubuhay siya nang walang lalaki dahil siya si Heaven Ferrer! "Hi..." Narinig niyang may nagsalita sa likod niya... isang lalaki. Umupo ito sa tabi niya. "Sorry na lumapit ako, ha. I know na gusto mong mapag-isa dahil tinapalan mo ng pera ang lahat ng nanggugulo sa'yo dito. Hahaha..." Napangisi siya sa humor ng lalaki. "Bakit, gusto mo rin ng pera?" biro niya. Pinagmasdan nya ito. Kahit na lasing na siya nababnaag pa din ang kagwapuhan ng lalaking nagpakilalang si Theo. Actually, napansin na din niya ito kanina pagpasok niya. Ang lakas kasi ng sex appeal nito. Lihim siyang napangiti sa naiisip. Bakit hindi siya magwalwal sa gabing iyon? Gagamitin niya si Theo para sa kanyang plano. Gusto niyang makatikim ng lalaki sa gabing iyon. At kapag maisagawa na niya iyon, magpo-focus na siya sa buhay nya. Magpapawasak siya sa gabing iyon para hindi naman siya matawag na desperate virgin. At pagkatapos noon, hindi na siya magbo-boyfriend. She can live without a boyfriend anyway! "Theo, can you bring me to your place?" diretsahang sabi niya. Napaubo si Theo sa sinabi niya. "Huh?... Why?" "You know what I mean..." malanding wika niya. Alam niyang type siya ni Theo kaya imposibleng aayaw ito sa gusto niya. "A-are you sure?" "Ayaw mo ata. Sige, I will find someone else..." wika niya saka akmang tatayo, pero pinigilan siya nito. "Wait!..." Hinawakan siya nito sa braso. "Let's go..."
View More**********
HEAVEN FERRER’S POV:
"Hello, Mom?" sagot niya sa kanyang teleponong nakaipit sa pagitan ng balikat at pisngi niya dahil may hawak siyang tray. Maingay sa bar na pinagtatrabahuhan niya kaya lumayo muna siya ng konti para marinig ang ina. Nasa America siya at nagtatrabaho bilang isang waitress.
"Where are you, baby? Bakit maingay diyan?"
"Mom, I’m working!" sigaw niya at tinatakpan ang kabilang tenga para marinig ang pinag-uusapan nila.
"What?! Di ba sabi ko tigilan mo na yang kahibangan mo? You're working in a bar at a very late hour?! Baka mapagtripan ka pa ng mga lasing na kalalakihan dyan?!" galit na galit na sabi ng mommy niyang si Jenna Smith Ferrer. Isang international model ang ina niya at tutol ito sa pagtatrabaho niya sa bar.
"Kulang ba ang pera na pinapadala namin sa'yo para magtrabaho ka pa diyan? Bakit hindi ka na lang magtapos ng pag-aaral nang matiwasay? Bakit kailangan mo pang magtrabaho???"
Napangiwi siya sa pagsigaw ng ina sa kabilang linya. Kahit maingay na doon, naririnig at nararamdaman pa din niya ang galit nito. Sinisermunan na naman siya nito. Ilang beses na siyang pinapatigil sa pagtatrabaho pero ayaw niya.
"Mom, gusto ko lang maging independent na hindi umaasa sa inyo ni Daddy. I’m not a kid anymore! Kaya ko na ding kumita ng sarili kong pera!"
"Magtapos ka ng pag-aaral at magtrabaho bilang doctor, hindi jan sa bar na puno ng mga lasing! I care about you, baby!"
Muli cyang napangiwi, kahit matanda na cya ay "baby" pa din ang tawag nito sa kanya.
"Mom, kaya ko ang sarili ko. I’m a black belt in taekwondo, remember? Tito Fred taught me!" Paalala nya sa ina para hindi ito mag-aalala sa kanya.
Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya takot sa mga kalalakihan na bastusin siya. Bata pa lang siya ay black belt na sila ng kambal niyang si Earth dahil tinuruan sila ng private bodyguard at tito na nila ngayon na si Tito Fred, asawa ito ng tita nilang si Tita Abby na pinsan ng mommy niya.
Sa totoo lang, walang nakakakilala sa kanya doon sa bar na pinapasukan niya. Pamilya nila ang isa sa pinakamayaman sa bansa. Her dad is Angelo Ferrer, who owns a lot of businesses not just all over the Philippines but also in other parts of the world as well.
"Go home here in the Philippines, baby. I miss you so much! Mag-model ka na lang kung gusto mo talagang magtrabaho at kumita ng sarili mong pera. We have a modeling agency, remember?"
Napangiwi siya. Kung dati ay pangarap niyang maging isang model pero iba na kasi siya ngayon. Hindi na siya mayabang at maarte tulad ng dati, nag-mature na siya.
Maging ang mga magulang at kapatid niya ay hindi din makapaniwala na nag-iba na siya. Everybody thinks na siya ang susunod sa yapak ng ina niyang maging isang international model. Yun din ang pangarap niya nung una, pero as she grew older, ayaw niya nang maging model... Ang gusto niya ay maging isang doctor.
"Mom, I’m going home soon. Malapit na ang vacation namin sa school, and I also want you to meet my boyfriend. He already proposed to me, and we're getting married as soon as we finish graduating!" masayang balita nya sa ina.
"Really, baby? I’m so happy for you! Finally ay nag-boyfriend ka na din, ang akala ko ay tatanda kang dalaga!"
Muli na naman cyang napangiwi, wala kasi cyang pinapakilalang boyfriend sa mga ito.
"Thank you, Mom. I hate to say this, but I really have to go… May work pa ako, at nagagalit na ang boss ko. I will call you later, okay?" sabi niya sa ina. Nanlilisik na kasi ang mata ng boss niya, kanina pa siya sa telepono.
Agad-agad niyang tinapos ang tawag ng ina saka bumalik sa trabaho.
"You’re working, Heaven! Bakit ka nakikipag-chismisan sa telepono while everybody here is busy? Di mo ba nakikita na madaming customer?" asik ng manager niyang bakla nang makalapit na siya.
"Sorry, Boss. It was an important call from my mom." pagdadahilan niya, pero ang totoo ay hindi naman gaanong importante iyon.
"Wala akong pakialam! Ang importante sa akin ay magtrabaho ka!... Go back to your work!"
Napasimangot siya nang tumalikod na ang manager niya. Palagi siya nitong pinapagalitan kahit pa nagtatrabaho naman siya ng maayos. Hindi alam ng mga ito ang tunay niyang pagkatao. Kung tutuusin, pwede niyang bilhin ang buong bar na yun kung gugustuhin niya.
Bumalik na siya sa trabaho. Namana ata niya sa daddy niya ang pagiging workaholic, kaya kahit na hindi naman niya kailangang magtrabaho ay ginagawa pa rin niya. Iba ang satisfaction na nakukuha niya kapag pinaghirapan niya ang perang ginagastos niya.
Napangiti siya ng maalala ang reaksyon ng mommy nya ng sinabing uuwi sya kasama ang nobyo. Malapit na silang matapos sa kanilang kurso sa pagiging doctor.... sila ng boyfriend niyang si Curt Sanchez.
Mayaman din ang pamilya ni Curt sa Pilipinas, pero hindi kasing yaman ng pamilya niya. Actually, hindi niya kilala ang pamilya ni Curt. Hindi naman sa pagmamayabang ay halos lahat ng mayayaman sa Pilipinas ay kung hindi business partners, ay family friends nila... at wala doon ang pamilya ni Curt.
Pero lagi nitong binibida sa kanya na mayaman ito. May pagka-mahangin ang nobyo niya, pero ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao... nabubulagan ka.
ANGELO'S POV:Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman habang nakatingin kay Crystal at Duncan na sumasayaw sa gitna ng bulwagan. Ang bunso niya ay kinasal na, ang kambal na sina Heaven at Earth ay masaya na din sa kani‑kanilang buhay may‑asawa.Sila na lang ulit ni Jenna ang maiiwan sa malaking bahay nila na dati ay sobrang ingay dahil sa mga anak nila. Siguradong maninibago na naman siya.“Babe, bakit tahimik ka d’yan?” tanong ni Jenna nang lumapit at umupo sa tabi niya.“Wala babe… iniisip ko lang, kasal na ang lahat nating mga anak. Nalulungkot lang ako.”“Bakit ka naman malulungkot kung masaya naman ang mga anak mo sa mga napili nilang mga asawa?”Ngumiti siya ng tipid. “Syempre… anak ko pa din sila. Hindi ako sanay na mawalay na sila sa akin at pagmamay‑ari na sila ng kani‑kanilang mga asawa.”“Don’t worry babe… andito pa naman ako. Ako na lang ulit ang baby mo?… hihihi. Mag‑travel na lang tayo sa buong mundo at sulitin ang buhay natin.”Ngumiti siya. Sabagay, wala na siyang aa
CRYSTAL'S POV:Isang buwan ang nakalipas ay araw na ng kanilang kasal ni Duncan. Nasunod ang gusto niyang intimate wedding. Pamilya at malalapit na kaibigan lang ang imbitado.Although hindi pa din iyon masasabing intimate dahil sa dami ng pamilya at mga kaibigan nila. Umuwi na din si Mommy Jenna at Daddy Angelo niya. Ang mga ninong at ninang nila na mga barkada ng mga ito ay present din.Sa malawak na garden ng mansion nina Duncan ang kanilang kasal. Puno ng security at walang ibang makakapasok kundi ang invited guest lang. Kahit pa nakakulong na ang lahat ng may galit sa kanila ay nag-iingat pa din sila. Na-trauma na sila sa nangyari.Kasalukuyan silang nasa harap ng altar ni Duncan at kinakasal na.“Duncan, will you take this woman to be your lawfully wedded wife, to love and to cherish, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, until death do you part?” tanong ng pari.Napatingin si Duncan sa kanya... puno ng emosyon ang mga mata nito, tila ba hindi na
“Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?” napalakas ang kanyang boses. Bakit hindi pa sabihin ng diretso ni Heaven sa kanya.“Hintayin nating magising si Crystal, Duncan… saka ko sasabihin sa inyo ang lahat.”Lalo siyang nanlumo. Hindi niya mapipilit si Doc Heaven. Lalo siyang nainis.Agad naman itong nilapitan ng asawang si Theo para samahan sa clinic nito. Silang naiwan doon ay tinawag ng nurse para igiya sa private room na pagdadalhan kay Crystal.Inakbayan siya ng kanyang daddy habang sabay silang naglalakad. “Magpakalakas ka, anak… walang mangyayaring masama kay Crystal. Magpapakasal kayo at magiging masaya. Ngayon pa lang ay ibinibigay ko na ang blessing ko sa inyo.”Ngumiti siya ng tipid. “Thanks, Dad,” sagot niya pero hindi lubos ang kanyang kasiyahan hangga’t hindi niya alam ang sakit ni Crystal.Pagdating sa kwarto ay naghintay sila muli ng tatlumpung minuto na walang ginagawa. Halos mabaliw na siya sa kakaisip. Nagpa-deliver si Earth ng pizza at kape doon sa room nila, pero hi
Sandali silang nagkatinginan na dalawa na parang sila lang ang tao roon. Pakiramdam niya ay kinasal na sila dahil nagpalitan na sila ng singsing. Pero ang totoo ay proposal pa lang nila iyon sa isa’t isa.“Noooo!” Napatingin sila sa sumigaw na si Thor. Hindi pa pala nakaalis dahil hinihintay pa ang ambulansya.“Wala ka nang magagawa Thor. Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa amin at tama na ’yang pagmamanipula mo. Hindi ko papayagang na makalabas ka ng kulungan dahil patong-patong ang ikakaso ko sa’yo.”“Pinsan… Duncan… I’m sorry. Patawarin mo ako… promise magpapakabait na ako…” Naging malumanay ang boses ni Thor habang nagmamakaawa.“Hindi! Kinain na ng droga ang utak mo kaya wala ka sa tamang wisyo. Hindi na din ako maaawa sa’yo dahil kaligtasan ko at ni Crystal ang nakataya dito. Mabubulok ka sa kulungan, Thor!”Biglang naging mabangis naman ang mukha nito. “Akin lang si Crystal, Duncan! Hindi mo siya maaaring maagaw sa akin! Akin lang siya!!!” Sigaw ni Thor. Sira na ang utak nito






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore