Bago pa makapagsalita si Audrey para sitahin ito sa pagtawag sa kaniya sa ikalawa niyang pangalan ay umalis na sa harap niya si Regan Amadeus. She sighed and watched him faded from everyone's sight, ignoring all the people who wanted to talk to him. May ilan napatingin sa gawi ni Audrey, malamang ay nahihiwagaan kung paano niya nakukuha ang atensyon ng tagapagmana ng mga Vasquez. While they were curious, Audrey was bothered when his voice calling her Serenity kept ringing in her ear. Malamang ay naninibago siya dahil parents niya lang ang tumatawag no'n sa kaniya.
Lucy congratulated her enthusiastically. Mayroong pagsasalo-salo na magaganap sa may likod ng arena kung saan may event hall at dahil si Audrey ang champion sa car racing na nangyari, her presence was needed. Marami din ang lumapit sa kaniya at nagpakilala, nagpahatid ng paghanga sa ipinamalas niyang galing sa karera.
They settled on the seats reserved for them on the event hall. May salo-salo para sa lahat n