Dahil kay Jarren, unti-unti ko nang nagugustuhan ang buhay na mayroon ako dito. Akala ko puro lungkot na lang. Nasanay kasi ako na sobra akong inaalagaan ng mga magulang ko. Yung tipong bantay na bantay ako para masiguradong walang makakapanakit sa akin o may mangyayaring masama.
Malungkot ako sa sitwasyon na mayroon kami ng pamilya ko ngayon. Yung tipong bigla na lang naging ganito na dati ay larawan kami ng isang masaya. Ang hirap kasing maging masaya kapag may sakit ang isa sa magulang mo. Mahirap yung araw-araw na hindi mo sila nakakasama at ang pinaka masakit ay alam mong araw-araw nakikipaglaban si Daddy sa kaniyang buhay.
Buti na lang at may isang Jarren akong nakilala dito. Siya ang dahilan ng pagngiti ko. Siya ang inspirasyon ko para sipagin ako na pumasok sa University. Kahit bago ko pa lang siyang nakikilala alam ko kaagad na may mabuti siyang puso. Sana bukas magkita kami ulit.
Kinabukasan,
Ganoon pa din. Maaga akong gumising para mamili ng damit na susuotin. Maula