ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW
Dapat sa mga oras na ito ay nagsasaya na ako dahil sa wakas ay gagaling na ang anak ko. Sa wakas ay nakuha na niya ang kailangan niya at hindi na siya mahihirapan pa. Masaya naman ako bilang ina. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang dumating ang araw na ito pero itong araw din pala na ito ang isa sa mga malungkot na araw sa buhay ko.
Si Jarren, nagpapaalam na siya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses at mga mata. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung ano ang nangyari o napag-usapan nila ng Daddy sa loob ng kwarto at ganitong nagpapaalam si Jarren.
Ibig sabihin hindi naaayos. Ibig sabihin hindi naging okay ang pag-uusap nila.
"Anya, Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. kayo ng anak natin. Anya, sorry sa mga maling desisyon ko. Goodbye, Anya! alagaan mong mabuti ang anak natin. Til we see again, Anya. Pangako, babalik ako. babalikan ko kayo ng anak natin."
Umalis na si Jarren at nag-iwan ng isang panga