Nagsimula na kaming kuhaan ng sukat ng team na kinuha ko na gagawa ng damit namin ni Leila. Sa ngayon ay kapwa kaming busy sa pagpili ng design na susuotin namin sa pinaka importanteng araw na mangyayari sa buhay namin ni Leila.
Sobrang excited na ako hindi pa man din. Excited na akong makita siya na nakasuot ng trahedya de boda habang mabagal na naglalakad patungo sa altar kung saan ako mag-iintay.
Hindi alam ni Leila kung gaano ang effort ko para lang sa araw ng kasal namin. Higit pa sa iniisip niya ang mga pinaplano kong mangyayari. Oo. nakaka presyur pero i think it will all worth it.
Marami na akong kinausap na tao through call. Hindi na biro ang perang inilalabas ko masiguro lamang na magiging masaya ang soon to be Mrs. Enriquez ko.
Busy si Leila sa baba habang ako naman at dalawa sa team ni David ay busy sa pag-aasikaso ng iba pang detalye ng kasal. Ang hindi alam ni Leila ay matagal na akong nakapili ng damit na susuotin ko sa kasal namin. Nakapagpamigay na rin ako