Sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Abala siya sa kanyang kape habang si Belle ay may hawak na pizza, pero hindi naman nito kinakain... natutulala lang ito.
"Bestie, nalulungkot ako... Pwede mo ba akong samahan mag-shopping?" Aya nito. Ang totoo ay malungkot din siya. Parehas sila ni Belle.
"Sige, wait for me, magbibihis lang ako." sagot niya at tumayo at pumasok sa kwarto niya. Feeling niya ay responsibilidad niya si Belle dahil kapatid niya ang dahilan kung bakit ito malungkot.
"I hate boys!" sigaw ng isip niya. "Papainlabin lang sila, saka kapag nakuha na ang gusto ay saka sila iiwan. Pare-parehas lang ang mga lalaki! Mga bwisit!" sigaw ng isip niya.
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang kumatok si Belle sa kwarto niya.
"Ang tagal mo naman. Ano ba ginagawa mo diyan?"
Sa sobrang kakaisip niya sa galit sa mga lalaki, hindi niya napansin na natutulala na lang siya.
"Eto na... Nagbibihis na!" baling sigaw niya. Dali-dali siyang nagsuot ng paborito niyang maiksing