Cari
Pustaka
Beranda / Romance / LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG / CHAPTER 240

CHAPTER 240

Penulis: dyowanabi
2025-05-08 00:16:30
Napangiti siya sa sinabi ng asawa. Kahit papaano, gumagaan ang pakiramdam niya. Ayaw niyang magbakasakali. Sa dami ng naging nobya ni Caleb, ay siguradong may masama ang loob sa kapatid niya at hindi niya maiwasang isipin na baka gantihan ito ng mga ex nito. At isa na doon si Doc Harper.

Pero hindi niya din maiwasang isipin si Belle. Alam niyang nasaktan din ang kaibigan niya. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang sabihin kay Belle ang nangyari kay Caleb o sikreto na lang. Si Caleb na lang siguro ang magdedesisyon nun kapag nagising na ito.

Ilang oras pa ang lumipas, at nailipat na si Caleb sa isang private room. Sa wakas ay pinayagan na rin silang pumasok para makita ito.

Tahimik ang loob ng kwarto. Naka-oxygen pa rin si Caleb, at may mga dextrose na nakakabit sa kamay nito.

Nangingilid muli ang luha niya habang pinagmamasdan ang kapatid. Napakaitim ng ilalim ng mga mata nito, at para bang ang bigat-bigat ng dinadala. Siguradong wala itong tulog kagabi dahil sa dami ng b
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi