Share

CHAPTER 239

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-05-07 23:37:46

YASSY'S POV:

Paroot parito siya habang nasa emergency room si Caleb. Tinakbo nila doon ni Hunter dahil naglaslas ang kapatid niya.

"Shit!" sigaw niya, hindi niya alam ang gagawin. Kakakasal lang nila ni Hunter kahapon, hindi ito ang inaasahan niya. Ang inaasahan niya ay masaya at akala nya ay wala nang problema.

Maya-maya ay dumating na din ang mga magulang nila.

"Ana, anong nangyari kay Caleb? Bakit siya ang laslas? May problema ba siya?" tanong ng mommy nya

"H-hindi ko alam, Mommy," pagsisinu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
kapwa nagiyakan ang mag Ex may laslas serye pang nalalaman si Caleb tz pag Gising Niya sila na uli Ng first girlfriend Niya saklap
goodnovel comment avatar
H i K A B
Naku first GF, first Love din kaya ni Caleb si Harper? Sana hindi sya mag ala-Olivia sa buhay nina Caleb & Belle.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 956

    “Bakit mo ako dinala dito, Nicolas?”Direkta ang tanong niya, walang paligoy-ligoy, parang gusto niyang putulin agad kung anuman ang balak ng lalaki.Natigilan si Nicolas sa ginagawa nito sa kusina. Saglit itong hindi kumilos, tila nag-iisip kung paano sasagot.Pagkatapos, dahan-dahan itong lumapit sa kanya, may dalang orange juice at dalawang baso. Tahimik nitong inilapag ang mga iyon sa mesa bago umupo sa tabi niya... masyadong malapit. Agad niyang naramdaman ang init ng katawan nito. Kinabahan siya, pero hindi niya iyon ipinahalata. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan.“Hindi mo ba ako na-miss, Marise?”Mahina ang boses ni Nicolas, ngunit may bigat, parang bawat salita ay may nakatagong kahulugan.Unti-unti siyang napalingon. Nakatitig ito sa kanya, tila sinusuri ang bawat galaw at reaksyon niya. Hindi niya kinaya. Umiwas siya ng tingin.Pero bago pa siya tuluyang makalingon, marahan ngunit may puwersang hinawakan ni Nicolas ang baba niya, pinilit siyang humarap muli.Nagtag

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 955

    Hindi na siya nagtataka kung bakit hindi na siya gano’ng nasaktan sa nakita niya. Matagal na niyang alam kung anong klaseng lalaki si Anthony... babaero, mapaglaro, at hindi kayang makuntento sa isa.Ang akala lang niya nagbago na ito... Pero mali siya.Habang hawak ang baso ng ladies drink, dahan-dahan niya iyong inubos. Nang maubos, nag-iwan siya ng pera at tip sa mesa, saka tahimik na tumayo.Aalis na sana siya nang hindi napapansin... pero huli na.“M-Marise?”Parang napako siya sa kinatatayuan. Dahan-dahan siyang napalingon. Nagtama ang mga mata nila ni Anthony.Saglit siyang napatitig… saka napatingin sa babaeng kanina’y halos nakadikit na sa katawan nito. Agad na tumayo si Anthony, sa sobrang pagmamadali ay nahulog pa ang babaeng nakakandong sa kanya.“B-bakit andito ka, babe?” halatang hindi mapakali ang lalaki.Tumikhim siya, pilit pinapakalma ang sarili. Tumingin muna siya sa babae bago sumagot, malamig ang boses.“Wala lang. Nag-u-unwind lang.” Sandali siyang huminto, saka

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 954

    Alam niyang sa sandaling payagan niyang bumalik ang kahit anong ugnayan sa pagitan nila, siya na naman ang masasaktan. Paulit-ulit na lang.Para kay Nicolas, malinaw ang tingin nito sa kanya... isa lamang siyang bayaran, walang halaga, walang puwang sa seryosong relasyon. Isang katawan lang na pwedeng gamitin, at pagkatapos ay kalimutan.At hindi na niya hahayaang mangyari ‘yon muli.Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bar. Napatingin siya sa paligid. Kumukutitap ang mga ilaw, malakas ang tugtog na halos marinig kahit nasa loob pa siya ng kotse. Halos alas-siyete na, oras kung kailan nagsisimula nang mapuno ang lugar ng mga taong naghahanap ng aliw.“What are we doing here?” malamig at may halong pagkainis niyang tanong.Hindi siya agad sinagot ni Nicolas. Saglit muna itong ngumisi, tila ba may alam na hindi niya alam.“Gusto mong makita si Anthony, di ba?” kaswal nitong sagot. “Nasa loob siya.”Parang may kumabog sa dibdib niya. Si Anthony… nandito?Paano kung makita sila?

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 953

    Hindi na siya nagsalita. Tahimik niyang pinunch ang mga pinamili nito, halatang basta lang dinampot mula sa estante para lang may maipila. Puro chichirya pa.Palihim niya itong sinulyapan... Naka-maong na pantalon si Nicolas at simpleng puting t-shirt. Ito lang din naman ang karaniwan nitong suot noon kapag magkasama sila sa condo, walang arte, walang kaayusan na pilit. Pero kahit ganoon, may kakaiba pa rin sa tindig nito.At kapag nasa opisina? Ibang-iba. Parang ibang tao, isang lalaking hindi mo basta malalapitan. Isang boss na kayang magpahina ng loob. Napalunok siya.“Titigan mo na lang ba ako, Marise?” biglang sabi ni Nicolas, may halong ngisi. “You missed me, didn’t you?”Bigla siyang nataranta. Hindi niya namalayang napakatagal na pala ng titig niya rito.Sa loob ng isang taong hindi sila nagkita… wala namang nagbago sa itsura nito, pero kung tutuusin, parang lalo pa itong gumwapo.“Shut up, Nicolas!” mabilis niyang sagot, pilit tinatakpan ang hiya. Agad niyang tinapos ang pag-

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 952

    MARISE POV:Kinabukasan, late na siyang nagising. Mabigat pa rin ang ulo niya at tila may natitirang sakit mula sa magulong gabi, pero pinilit pa rin niyang bumangon. Ayaw niyang manatili sa kama at magpakain sa lungkot.Paglabas niya ng kwarto ay nakita niya si Tessa na nakaupo mag-isa sa sala. Tahimik itong umiinom ng kape habang nakatingin sa bintana. Nang mapansin siya nito ay agad itong tumayo.“Gising ka na pala, Marise…” malambing nitong bati.“Nasaan sila, Ate?” tanong niya habang inaayos ang gusot niyang buhok.“Ang mama mo, pumunta na sa grocery. Si Lolo Li at si Noah, umalis ulit. Ako lang mag-isa dito kasama ang mga katulong.” Lumapit ito at sinipat ang mukha niya. “Kamusta ka na?”“Okay naman, Ate.”Hindi na niya binanggit na tumawag si Nicolas kagabi. Wala naman siyang balak makipagkita rito. At tungkol kay Anthony… kung makikipagkita man ito sa kanya, desidido na siyang makipaghiwalay. Sa ganoong paraan, mapuputol na rin ang anumang natitirang koneksyon niya kay Nicolas

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 951

    "Pasensya na, Mr. Monteverde, pero hindi na ako ang dating Marise na kilala mo."Natawa ito sa kabilang linya. “Hahaha… bakit ang pormal mo naman, Marise? At ano bang ibig mong sabihin sa ‘dating Marise’? Kahit paano, may pinagsamahan din naman tayo, hindi ba? For old time’s sake… puwede ba tayong magkita?”Sandali siyang nag-alangan. Gusto niya itong makita muli... hindi bilang dati niyang kliyente, kundi bilang lalaking minsan niyang minahal.“Sorry, pero busy ako.”“O, come on, Marise. Hindi mo man lang ba ako pagbibigyan? Dati, kapag tinatawagan kita, agad kang dumarating.”“Leave me alone, Mr. Monteverde. May nobyo na ako… at pamangkin mo siya.”Biglang natahimik si Nicolas sa kabilang linya.“Hindi mo kilala si Anthony, Marise,” seryoso nitong sabi.Napataas ang kilay niya sa inis. “Bakit, ikaw ba kilala ko? Hindi rin naman, hindi ba?”Mariin niyang sinabi iyon. Wala itong karapatang pangunahan siya sa sarili niyang desisyon.“Mahal ko si Anthony, at mahal niya ako. Kaya lubayan

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 521

    Kinabukasan, maaga siyang nagising para magtrabaho. As usual, masarap na naman ang tulog niya dahil sa 'wild night' nila ni Almira. Napapangisi na lang siya habang inaalala ang ginagawa nila tuwing gabi.Pagbaba niya sa kusina ay nandoon na si Trish nagkakape. "Good morning, sir. Gusto mo kape?""Y

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 507

    LIAM'S POV:Nakatingin lang siya sa magandang mukha ni Almira habang natutulog ito sa tabi niya. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay nagkaintindihan din sila. Binaba nila ang kani-kanilang pride at nag-aminan ng kanilang mga tunay na damdamin. Now... Almira is his.Marahil ay naramdaman ni Almir

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 514

    Kinabukasan maaga siyang nagising kahit pa anong oras nang natapos ang party nila. Na-miss ata siya ng mga barkada at ginabi na ang mga ito ng uwi.Agad siyang pumunta sa kwarto ng mama at kapatid niya. Doon na din siya nakitulog sa bahay nina Elijah. Hindi na siya nakauwi sa bahay niya.Marahan si

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 524

    Nagdaanan ang mga araw at naging abala siya sa pagpapaayos ng kanyang bahay-bakasyunan. Gabi pa siya palaging umuuwi dahil pagkatapos sa munisipyo ay pumupunta pa siya sa Cavite para tingnan ang pinapagawa niya. "I'm sure mom gonna like this, engineer," sabi niya kay Engr. De Guzman habang tiniti

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status