“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.
“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.
“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin.
“Rhayan, Bibihis ka ba