Isinandal ni Drake ang likuran sa headboard ng kama, habang nakatitig sa babaeng katabi niya. Tulog pa rin ito, hindi niya akalain na birhen pa ito nang makuha niya. Nasabunot niya ang buhok. Naguguluhan siya ngayon, kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Maraming tumatakbo sa isipan niya at nagpapadagdag lalo ng sakit sa kanyang ulo. Masyado siyang maraming nainom kagabi, at hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Pakiramdam niya nag take-advantage siya sa sekretarya niya, porket alam niyang may gusto ito sa kanya. Tumagilid paharap sa kanya si Freya at niyakap ang baywang niya habang nakaidlip pa rin ito.
“Freya,” mahinang tawag niya. Alam niyang gising na ito, ngunit ayaw pa nitong magmulat ng mata. “Sorry,” sa wakas naisatinig niya. Hindi niya alam kung humihingi ba siya ng sorry dahil ginalaw niya ito na kahit walang pagmamahal na namamagitan sa kanila, or humingi siya ng sorry, dahil hindi niya kayang panagutan ang nangyari sa kanila. Gulong-gulo talaga ang utak niya. Nasa kala