Pero ganun pa man ay kailangan nya pa din ipakilala si Gray sa ama nito. Hindi lang sarili nya ang iisipin dito... kailangnan nya din isipin ang anak nya, kailangang malaman ni Ken na may anak na sila. Dati kasi nag-aalangan cyang ipaalam kay Ken ang tungkol kay Gray dahil baka hind ito magustuhan ng Papa nya. Pero ngayong vocal na ito na gusto nito si Ken at ito pa mismo ang nagtutulak sa kanya ay wala na syang dahilan para itago pa ang sekreto nya. Lumalaki na ang bata at naghahanap na ito ng tatay.
"What are you thinking anak?" Putol ng Papa nya sa malalim nyang pag-iisip.
"Ahm iniisip ko lang na hindi ko pwedeng ipagkait si Gray kay Ken... sasabihin ko na sa kanya sa lalong madaling panahon...."
"Sige anak... hindi kita tututulan jan...kung ano ang makakabuti para sayo ay gawin mo. Napansin ko din kasi na malugkot ka lately... kung ano man ang bumabagabag jan sa isip mo ay iwasan mo na yan. Always choose to be happy, wag mo akong gayahin na nagsayang ng ilang taon sa paghanap