Gulong-gulo na cya sa pinagsasabi ng Daddy nya. Bakit sinasabi nito na makukulong sya sakaling bumalik ang alaala nya? Ano ba talaga ang naging kasalanan nya? Mukhang makapangyarihan pa naman ang mag-asawang kaka-alis lang.
Napahawak sya sa ulo nya dahil biglang sumakit iyon. "Aghh!..." ungol nya dahil sa sakit.
"What happened anak? Masakit ba ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong ng Mommy nya habang lumalapit sa kanya para tulungan habang ang Daddy nya ay ni hindi man lang ito umalis sa kinatatayuan.
"Bumabalik na ba ang memorya mo Ava? If I where you wag ka munang gumaling hanggat hindi pa ako nakakakuha ng pera kay Ken. Pero kung sakaling gumaling ka na ay magkunwari ka muna na wala ka pa ding maalala.. kahit doon man lang ay matutulungan mo ako. Hindi na siguro mahirap ang pinapagawa ko sayo?" usal ng Daddy nyang tilang nang-iinsulto pa.
"Anu ka ba Erick! May sakit ang anak mo! Hanggang ngayon ba plano mo pa din cyang gamitin sa kalokohan mo? Kung hindi ka lang sana sugarol ay wala ta