Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.
Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya.
"You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!
Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.
Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.
“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.
Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a