"Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya.
"Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"
Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?
"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”
Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s