"Eh Boss malakas po ang ulan, baka tayo naman ang madisgrasya..." Paliwanag naman ng diver/ bodyguard nya. Tama nga naman ito... hindi nya lang maiwasang magalit dahil sa bugso ng damdamin... natatakot sya para sa kalagayan ni Ken... kailangan nyang masiguradong ligtas ang kaibigan nya.
Habang nasa byahe ay nadaanan pa nila ang aksidente kung saan nagkabanggaan ang kotse ni Ken at ng truck. Wasak na wasak ang sports car ni Ken na pumailalim sa truck. Napapikit nalang cya ng mata at lihim na nananalangin na sana ay buhay pa ang kaibigan nya.
Sinenyasan nya ang driver na itigil ang sasakyan sa pinangyarihan ng aksidente saka binaba nya ang bintana ng sakayan.
"Good evening Mayor." Bati ng Police ng makita cya.
"Kamusta ang mga driver?" tanong nya.
Ang driver at pahinante ng truck ay hindi gaano nasaktan pero ang driver ng sports car ay medyo napuruhan Mayor. Mabilis kasi ang pagpapatakbo nya, dagdag pa na madulas ang kalsada kaya pinasok talaga sa ilalim ng truck ang sasakyan nya.