Sa isang mamahaling coffee shop, kaharap ni Vanilla ang Ina ng nobyo niyang si Darren na noon ay kitang kita sa matapobre nitong mukha ang pagkadisgusto sa kanya.
"Limang milyon, layuan mo ang anak ko." walang paligoy-ligoy nitong wika. HIndi naman maiwasan na makaramdam ng pagkadismaya ni Vanilla. Hindi niya na din kasi mabilang kung ilang beses na siyang inofferan ng Ina ng boyfriend niyang si Darren ng pera para lang makipaghiwalay dito "Hindi ko po magagawa iyan, Madam! Nagmamahalan po kami ng anak niyo at hindi ko po kayang ipagpalit siya sa pera." buong pagpapakumbaba na sagot naman kaagad niya sa hilaw niyang manugang. "Then, six million...." nakataas ang kilay na muling wika ng Ginang. Muling umiling si Vanilla. Hindi kayang tumbasan ng pera ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa kanyang nobyo. "Seven million!" muling wika ng Ginang. Pataas nang pataas ang offer nito pero tanging pag-iling parati ang tugon ni Vanilla "Ipaglalaban ko po ang nararamdaman ko para sa anak niyo, Madam. Sorry po..." sagot niya din naman kaagad. "Okay, last offer. Ten Million...ten million, lubayan mo siya. Lubayan mo ang unico iho ko dahil kahit na ano ang gawin mo, hindi ako papayag na ikaw ang magiging asawa niya. Nakatakda na siyang magpakasal sa babaeng gusto namin. isang babae na may maipagmamalaki at ka-level namin sa lipunan. Hindi kagaya mo na isang hampas lupa!" seryosong wika ng ginang. Ni hindi man lang nito naisip na posibleng masaktan si Vanilla sa sinabi niya ngayun lang. "Sorry po. Hanga't kailangan po ako ni Darren, hindi ko po siya hihiwalayan. Sa inyo na po ang pera dahil hindi ko iyan kailangan." seryosong sagot naman ni Vanilla dito Masakit para sa kanya na makita na ganito na pala kababa ang tingin sa kanya ng Ina ni Darren pero wala siyang magagawa. Isa lamang siyang babae na galing sa mahirap na pamilya at gumagawa ng paraan para makaangat sa buhay. Kasalukuyan siyang nagta-trabaho sa isang government office bilang isang auditor at ang ganitong offer ng ginang sa kanya ay labis na nagpadurog sa puso niya. "Hmmm , masyadong matigas nag ulo mo, babae. Well, kung ayaw mo talaga...wala akong magagawa. Pero ito lang ang tandaan mo, never ka naming matatangap sa pamilya namin." nanlilisik ang mga matang wika nito. Kaagad namang nagbaba ng tingin si Vanilla dahil feeling niya sobrang liit ng tingin sa kanya ng mismong Ina ng nobyo niya. "Sorry po. Kung wala na po kayong sasabihin, aalis na po ako." mahinang sagot ni Vanilla sa kaharap niya. Pagkatapos noon, tinitigan niya muna ang walang bawas na kape na inorder kanina ng ginang para sa kanya. Sino ba naman kasi ang gaganahan na mag-kape kung ganito kagaspang ang ugali ng taong kaharap mo. "Okay, alam kong masyado ka pang emosyonal ngayun pero kung sakaling magbago ang isip mo, huwag kang mag-atubili na lumapit sa akin para kunin ang sampung million. Willing pa rin akong ibigay sa iyo iyun basta lumayo ka sa anak ko." seryosong wika ng Ginang at walang pag-aalinlangan na mabilis itong tumayo. Parang reyna na naglakad ito palabas ng coffee shop. Taas noo, sopistikada at unang tingin pa lang, halata talagang nakakaangat ito sa buhay. Samantalang hindi naman nagawa pa ni Vanilla na tumayo para umalis na. Ramdam niya kasi ang panginginig ng kanyang tuhod dahil sa matinding emosyon. Nagbabadya din ang luha sa kanyang mga mata at kung hindi lang nakakahiya, baka kanina pa siya umiyak. Kinapa-kapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa para tawagan ang kanyang nobyo. May usapan sila na magkikita sila dahil isasama siya nitoo sa birthday party ng abuelo nito pero parang gusto nang magbago ang isip niya ngayun. Feeling kasi niya hindi siya welcome doon lalo na at nagpahayag na ang Ina nito na hindi nga siya gusto. "Hey...babe. Napatawag ka?" nakailang ring pa lang, sumagot naman kaagad si Darren. "Darren, saan ka ngayun? Teka lang, bakit ganiyan ang boses mo?" seryosong tanong naman ni Vanilla sa boyfriend niya. "Ha? A-anong ibig mong sabhin, Babe?" "Darren, parang boses kakagising mo lang kasi eh. Nasa opisina ka ba? Dadaan ako diyan ngayun. May importante kasi akong sasabihin sa iyo eh."" seryosong wika ni Vanilla sa kanyang nobyo. Kaya lang mas lalo siyang nagtaka dahil mabilis siyang pinigilan ni Darren. Halata sa boses nito ang pagpa--panic. "NO! No, Babe!! It's okay! Mamaya, susunduin na nalang kita sa apartment mo para maisama kita sa kaarawan ng Lolo ko." nakangiting sagot nito "Pero, Darren. Iyan nga ang dahilan kaya ako tumawag sa iyo eh. Nagbago na ang isip ko. Hindi na--" naputol ang sasabihin ni Vanilla kasabay ng pagkunot ng kanyang noo sa matinding pagtataka nang marinig niya na para bang umuungol si Darren. "Ahhhhhh!" 'Darren, sure ka ba na ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Vanilla sa nobyo niya pero ganoon na lang ang pagkadismaya nya dahil tuluyan nang naputol ang tawag. Tinawagan niya ulit ang nobyo niya pero hindi na ito sumasagot. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-aalala kaya isang pasya ang nabuo sa isipan niya. Pupuntahan niya ang nobyo niya sa opisina nito. Nag-aalala kasi siya eh. Kakaiba kasi ang ungol nang boyfriend niya at baka kung ano na ang nangyayari dito ngayun.