Kagabi nang mabasa ko ang minsahe ni George. Muntik na naman akong madala sa selos. Muntik ko na namang makalimutan ang pangako kong pagkatiwalaan si Cherry.
Kukumprontahin ko na sana siya. Pero saktong paglabas ko ng banyo ay nakita ko. Galit. Madiin ang pindot sa screen ng cellphone niya. Lumapit ako. Kitang kong bin-block niya ang numero ni George.
“Sino ‘yan at parang galit na galit ka?”
“Alam mo na kung sino…” Niyakap niya ako.
“Anong sabi?”
“Makikipagkita raw…gago siya!”
Napangiti ako sa sagot niya. Hindi niya tinago. Kaya kahit paano ay napanatag ako. Ngayon ay sigurado na akong tutupad siya sa pangako niya.
Nakangiti akong nagbihis. Maganda na naman ang umaga ko.
“Asawa ko, ingat ka, ha…” sabi niya nang nasa garahe na kami.
“Ikaw rin, ingat ka…if may problema, sabihin mo agad, okay?”
Tumango-tango siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Ibinaba niya pa ang bintana ng kotse, kumaway sa akin at nag-iwan ng matamis na ngiti.
Huminga ako ng malalim nang nasa loob na ako ng ko