Hindi ko alam kung ilang segundo akong nanatiling nakapikit matapos ang halik na ‘yon. Parang lahat ng pinipigilan kong damdamin…biglang sumabog. Nasalubong ko ang mga mata niyang nangingislap ng luha. Parang nagsasabing patawarin mo na ako. Magsimula ulit tayo…hindi na kita sasaktan.Pinilig ko ang ulo ko. Inalis ang kamay niya sa batok ko. Hindi na ako papayag na mahulog na naman sa mga lambing niya. Sa mga matatamis niyang salita. Matinding sakit ang naramdaman ko…muntik na akong sumuko sa buhay. Ilang araw akong hindi nakakain, puro inum lang. Ilang beses kong tinatong ang sarili kung bakit hindi sapat ang pagmamahal ko na tuluyang burahin si George sa puso niya.“Reynan…” Nilapat niya ang kamay niya sa pisngi ko.Winaksi ko iyon. Pero muli niya lang inilalapat, nagmamatigas siya. Pero mas nagmatigas ako.“Cherry…tama na!” mariin kong sabi, saka ko siya itinulak palayo. Hindi siya bumagsak, pero sapat ‘yong lakas para makuha ang distansyang kailangan ko. Distansyang makahinga
REYNANMahigit isang linggo na akong narito sa Albay, pero sa bawat paggising ko, sa bawat paghinga…parang kahapon lang nangyari ang lahat.Parang sirang plakang paulit-ulit ko pa ring nakikita ang eksenang nasaksihan ko sa labas ng hotel.Si Cherry, at si George…Hindi ko makalimutan kung paano siya hawakan ng lalaking ‘yon…kung paano dumampi sa kanya ang labi nito. Hinayaan niya lang, hindi niya itinulak, hindi siya umiwas. Patunay na nagustuhan niya. Na sabik siya sa mga hawak at halik nito.Hindi ko alam kung ilang ulit ko nang sinubukang burahin ang imaheng ‘yon sa isip ko, pero habang pinipilit kong kalimutan, lalo lang itong nanunuot. Lalong bumabaon sa kaibuturan ko ang sakit.Nakakatawa. Akala ko dati, tapos na ang pinakamasakit na kabanata ng buhay ko. Akala ko, sa dami ng pinagdaanan ko…wala nang susugat pa sa puso ko ng ganito kalalim. Pero nagkamali ako.Umasa ako, nagmahal muli, ngunit mabibigo lang pala sa huli.Napabuga ako ng hangin. Hinilot-hilot ang noo ko. Oo, hind
Buong-buo ang determinasyon kong bumalik agad sa Pilipinas, pero mismong katawan ko ang tumutol. Bigla na lang akong bumigay.Sumakit ang ulo ko, parang biglang naubos ang hangin sa baga ko. Nanlamig ang mga kamay ko. Nanlalambot ang tuhod. Nahihilo, hindi na halos ako makatayo, pero pinilit ko. Kaya lang, hindi pumayag si Mama na umalis ako. Kahit anong pagmamakaawa ko, hindi pa rin siya pumayag. Paano raw kung himatayin ako sa byahe? Paano kung lalong lumala ang sakit ko?Ayaw ko man sanang tumigil, pero napilitan ako.Isang linggo akong nagpahinga. Pinilit kumain kahit wala akong gana. Pinilit matulog kahit walang kapayapaan ang utak ko. Pinilit kong magpalakas at si Reynan ang naging inspirasyon ko. Pakiramdam ko parang isang taon ko nang hindi nakikita si Reynan. Sabik na akong makita, mayakap, at mahalikan siya. Miss ko na ang mga lambing niya, ang kapilyohan, at kalibugan niya.At ngayon nga… narito na ako sa airport. Kalalapag ko lang mula Canada. Hindi pa man ako nakakakuha
“Sa…airport,” mabagal, halos pabulong na sabi ni Anna, pero nagdiwang ang puso ko. Umalis nga siya, pero may paraan pa—may pag-asa pa na maayos kami. Ngumiti ako. “Pero, dok, nagpahatid lang siya, hindi niya sinabi kung saan siya pupunta…”Hinawakan ko ang kamay niya, parang hindi narinig ang sinabi niya. “I-book mo ako, Anna… kahit anong flight… basta papuntang Canada. Ngayon na.”Tumango-tango na lang si Anna. “And buy me a new phone…” utos ko pa, at dali-dali na akong umuwi. Nilampasan ko ang aming mga kapit-bahay na nakiusyuso pa rin sa amin. Maging ang mga pulis na kararating lang ay hindi ko na pinansin. Ang guard na lang ang kumausap sa kanila.“Tulungan mo akong mag-impake…” Agad-agad kong sabi kay Lolita pagpasok ko. Nagtataka siya, pero hindi na nagtanong. Ilang gamit lang ang dinala ko–mga mahalaga lang. Inipit ko sa gitna ng pasaporte ang marriage certificate namin. Sakaling itanggi niya ako, may hawak akong katibayan na asawa niya ako.Sinundo ako ni Anna, bandang al
Excited akong lumingon. Ngumiti sa pag-aakalang si Reynan ang humawak sa akin, pero hindi... “George…” Nanlaki ang mga mata kong buong lakas siyang itinulak. Pinagpag ko ang damit ko. Pinahid ang mga brasong dumikit sa balat niya na parang diring-diri. “Anong karapatan mong hawakan ako?!” Mabilis kong pinalipad ang kamay ko sa mukha niya. Tumabingi ang mukha niya sa lakas ng sampal, pero hindi man lang siya natinag. Bagkus, bumalik ang tingin niya sa akin. Maitim ang mga matang para bang gustong sumabog sa galit, pero pinili ang magpigil. Kumuyom ang mga kamao ko. “Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko kanina? Hindi pa ba sapat ang sakit na pinaramdam mo sa akin, at malakas pa rin ang loob mong magpakita sa akin?” Hindi pa sapat ang isang sampal. Sinugod ko pa siya. “Cherry…hindi nga ako susuko…mahal kita!” “Tama na, George! Tama ang panggugulo sa buhay ko!” Inundayan ko siya ng sunod-sunod na hampas sa dibdib, sa braso, kahit saang parte na maabot ng kamay ko. “Sinira mo na ako
Nanginginig pa rin ang katawan ko pagdating ko sa bahay. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil galit ako. Galit ako sa paulit-ulit na panggugulo sa akin ni George. “Lolita!” sigaw ko, pagbukas ko ng gate. Agad namang lumabas si Lolita. Nagtatakang sinalubong ako. “Doktora…ano po ‘yon? Anong nangyari? Okay lang po ba kayo?” tanong niya. May pagtataka sa mukha. “Pakibayaran ang taxi…” Tinuro ko ang taxi na nakaparada sa labas. Pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Dire-diretso akong pumasok at pumunta sa study. Walang ibang laman ang utak ko ngayon kundi ang makausap si Reynan. Masabi ko sa kanya lahat ng nangyari kanina. Pagpasok ko ng study. Agad kong inangat ang telephone. Mabilis na pinindot ang numero ni Reynan. Kaya lang naka-ilang ring na, hindi pa rin siya sumasagot. “Please, sagutin mo, Reynan…” bulong ko. Palakad-lakad ako habang paulit-ulit na dina-dial ang numero niya. Pero hindi pa rin siya sumasagot. Pabagsak akong umupo. Inilapit sa aki