Hindi na rin ako nagtagal sa lunch na iyon. Nagpaalam na ako agad pagkatapos kong kumain dahil alam kong kapag nagtagal ako ay baka pumayag ako sa trabahong inaalok sa'kin ni Sebastian. Hindi iyon kasama sa plano ko. Dalawang buwan lang kami dapat rito ng mga bata. Baka kapag nagtagal pa kami ay malaman ng lahat ang tungkol sa kanila.
Ngayon pa lamang bumabango muli ang pangalan ni Daddy sa mga investors. At natatakot ako na baka kapag nakarating na naman sa media na nagka-anak kami ni Sebastian ay hindi na makaangat muli ang negosyo ng pamilya namin.
"Think about it. I'm willing to wait." Seryosong sabi ni Baste bago ako bumaba ng kan'yang sasakyan.
Hindi madaling makasama ulit siya. Hindi pa rin malinaw kung bakit iniwan niya ako sa ere noon. At ayoko nang ungkatin pa iyon. It's best not to be involved with him again.
Pagdating ko sa unit ay wala pa ang mga anak ko roon maging si Manang Lydia. Wala rin namang mensahe kaya tinawagan ko na si Ate Caroline. Ngunit hindi rin ito s