"What if. What if let's get married like what Elle suggested?. After all, the ring is on your finger. I can set up a church wedding now if you'd like too."
Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo ko ng matapos si Johan sa sinabi niya. Napapikit ako at inayos ang nakanganga kong bibig. Im shocked.
Ginoo.
"Gino-good time mo na naman ako, bakla. Walang ganyanan, oy." sabay mahinang hampas ko pa sa braso niya.
Hinarap ko ang singsing at nagpla-planong hubarin na iyon, ngunit ng pilit ko na iyong hinihila ay hindi naman na matanggal!
Bigla akong kinabahan.
Nyare? Ayos pa 'to kanina ah?
Muli kong sinubukang hubarin and this time may pwersa nang kasama, ngunit katulad kanina ay hindi ko pa'rin iyon mahubad.
Umayos ako ng tayo at marahang tinitigan ang blangkong mukha ni Johan. Plastic ko siyang nginitian at tinuro ang banyo.
"T-Teka lang, naiihi ako." sabay karipas ko ng takbo. Malakas ko pang naisara ang pinto niya dahil sa frustration na namumuo sa akin.
When i turned to the mirror, kitang-