Ang malakas na ring ng cellphone ang bumulabog sa mahimbig na tulog ni Izzy.
Alam niyang sa kanya iyon dahil na rin sa pamilyar na musikang nag iingay ngayon.
Booty Music ni Git Fresh, isa sa mga paborito niyang lumang tugtugin.
Tinatamad na napa ungol si Izzy saka naka pikit pang hinanap ng kamay ang cellphone ngunit sa halip na sa hinahanap sumagi ang kamay ay sa malaking katawan ng katabi niya iyon napadpad dahilan upang agad siyang mapa mulat.
Dahan-dahan siyang bumangon upang hanapin ang bwisit na cell phone at sigawan ang kung sino man ang tumatawag, ingat na ingat rin siya na huwag magising ang katabi, ngunit mukhang huli na siya…
Sandali siyang natigilan nang bahagyang umungol si Seth saka tumihaya ng higa dahilan upang masilayan ni Izzy ang napakagandang mga abs nito sa tiyan maging ang matipuno nitong dibdib.
Wala sa sariling napa kagat-labi si Izzy saka napa ngiti bago muling hinanap ang kanyang cell phone.
Natagpuan niya naman iyon sa ilalim ng kanyang unan at agad kinabah