Wala sa sariling napa ngiwi si Izzy nang pag bukas niya sa isang drawer sa itinurong silid ni Seth ay agad bumungad sa kanya ang ilang piraso at iba’t-ibang kulay ng two piece.
Agad niyang dinampot ang isa habang hindi pa rin nawawala ang pag ngiwi.
“Kanino kaya ang mga ‘to? Imposible namang kay Seth tong mga ‘to.”
Pabulong na kausap niya sa sarili saka ibinalik ang dinampot na two piece upang kunin ang isa pang pares ng kulay itim na two piece, sandali pa siyang napa kagat ng labi saka mukhang tangang napa tango, mukhang hindi naman kasi gaanong daring iyon, hindi tulad ng una niyang nadampot.
‘Pwede na ‘to.”
Muli niyang bulong sa sarili saka nag mamadaling pumasok sa banyo ng silid na iyon.
Nang makapag palit ay muli pang napa iling si Izzy nang makita sa salamin ang sarili.
Sino ba naman ang niloko niya? Ni hindi niya nga malaman kung kaya niyang mag suot ng ganito. Ito ang unang pagkakataong nag suot siya ng two piece, kadalasan kapag nag su-swimming sila, simpleng t-shirt at shor