Hindi malaman ni Izzy kung dapat ba niyang ikatuwa na talagang tanging pag ligo lamang ang ginawa nila sa loob ng banyo ni Seth o madismaya dahil pakiramdam niya ay tila siya may sakit dahil iwas na iwas sa kanya si Seth habang nasa shower sila, ni hindi man lang nga siya nito hinawakan at hinayaan siyang maligo ng magisa.
Lihim na napa irap si Izzy dahil sa nararamdamang inis, wala sa sariling naibato niya ang ginagamit niyang hairbrush nang sumabit iyon sa ilang hibla ng kanyang buhok, bagay na ikinakunot ng noo ni Seth na ngayon ay naka tayo sa kanyang likuran habang abalang tinutuyo ang sarili.
“What’s wrong?”
Halos mag salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Seth, muli pang napa buga ng hangin si Izzy saka nag kibit-balikat bilang sagot.
Ano nga ba naman ang sasabihin ni Izzy dito? Gayong kahit siya ay hindi rin malaman kung bakit nga ba siya naiinis ngayon.
“There’s something wrong, tell me. Why are do you look so pissed?”
Muli nanamang tanong sa kanya ni Seth habang mariing na