“Izzy?”
Bakas ang gulat at pag tataka sa mukhang tawag sa kanyang pangalan ni Carl nang pag buksan siya nito ng pinto.
Sa itsura nito ay halata ring tila na bulabog ang tulog nito, pupungas-pungas pa kasi ito nang harapin siya at tila nawala lamang ang antok nang makita siya.
“It’s past one in the morning. Anong ginagawa mo dito? May nangyari ba?”
Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong nito sa kanya. Nag pilit naman ng isang tipid na ngiti dito si Izzy saka sumagot.
“Pwede bang dito muna ako?”
May halong lungkot at pakiusap ang tinig na sabi niya habang pilit na iniiwas ang tingin kay Carl.
Wala namang nagawa ang kanyang best friend kung hindi ang lakihan ang bukas ng pinto nito at hayaan siyang makapasok sa loob.
Pag pasok pa lamang sa condo unit na tinutuluyan ni Carl ay hindi niya na napigilan ang huwag umiyak.
Mabilis namang isinara ni Carl ang pinto saka siya nilapitan at inalalayang maka uupo sa isang sofa sa sala nito.
"Anong nangyari? Hindi ba't ang sabi mo may pasok ka sa co