[Skye]
“A-ang ibig kong sabihin… siya po ang naghahatid sa akin sa hospital para mabilis na makabisita kay kuya Jhake. H-hindi po siya nagmamanmam sa labas ng bahay… k-kasama ko po siya.”
Mukhang hindi naniwala sa kanya ang lahat, mabuti nalang at nagsalita ang kuya Jhake niya.
“W-wamos, n-nagpatuli ka na ba? A-a-ko kasi tuli na hehehe!”
Natampal nila ni Jolina ang noo. Sabi na nga bata at ito ang sasabihin ng kuya niya kapag nakita ito at si Wamos. Hindi tuloy nila malaman ni Jolina kung matatawa kay Wamos o maaawa dahil sa pang aasar ng kapatid niya.
“I know him… actually, I know them all.” Makahulugan na wika ni Adius. Nakangising inisa-isa nitong tingnan silang lahat, na ikinalunok nilang lahat. Nahulaan kasi nila ang ibig nitong sabihin. “Sila ang mga… kasama ng fiancee ko na magtrabaho noon kaya nagkakilala kaming dalawa.”
Sabi na nga ba natatandaan silang lahat ni Adius! Pero bakit narito silang lahat? Pinasama ba ni Adius dito ang mga kaibigan niya? Pati ang kapatid