[Skye]
Hindi naman siya impokrita para sabihin na “Nakakahiya at hindi siya gano’n” Sa panahon naman kasi talaga ngayon, lamang na ang pagiging mukhang pera at pananamantala ng katulad niyang mahirap. Hindi siya uupo lang at magiging bait-baitan.
Eenjoyin niya ang lahat! Hahaha!
Kumalat sa sala ang malakas niyang halakhak. Nasa taas naman si Adius. Sigurado na hindi nito maririnig ang ingay. Saka ano naman kung marinig nito? Hindi naman nito malalaman ang nasa isip niya.
Alas 12 na pala. Kung hindi pa siya nakadama ng antok ay hindi niya maaalala ang mga gamit niya. Umakyat siya sa second floor para pumunta sa study room. Nakapasok siya dito dahil nakabukas naman ang pinto.
“Teka. Nasaan ang mga gamit ko?” Sigurado siya na dito lang niya yun iniwan kanina.
Kinatok niya ang kwarto ni Adius. Sigurado siya na ito ang nagtabi ng mga gamit niya.
Bumukas ang pintuan ng kwarto nito. Tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Nakasuot pa ito ng salamin sa mata—well, infairness