Para pala kay Kiro ang kape na pinabili ni Adius. Kung maaga lang sana niya nalaman, tinadtad niya ng kiss ang gilid ng mug. Indirect kiss daw kasi ang tawag doon.
Nang iinom na si Kiro ng kape, maagap na kinuha ito ni Adius sa kamay ng kapatid.
“This coffee is cold. Go downstairs and buy a new one.”
“Anong malamig? Mainit pa yan, no!” Lumapit siya kay Adius at tinangka na agawin ang kape sa kamay nito, pero maagap na tinaas nito ang baso.
Nanlaki ang mata niya ng ito ang uminom ng kape—ayon, nangitim ang mukha nito ay sunod-sunod na naubo.
“W-what the fvck is this, Skye?!” Halos umalingawngaw sa buong lugar ang malakas na boses nito.
Natatarantang tumingin siya sa labas ng pintuan. Nakabukas pa naman ang pinto. Paano kung may makarinig na tinawag siya nito sa pangalan lamang niya.
“S-sabing tawagin mo akong Miss Malason, eh!” Kainis naman! Indirect kiss na sana sila ni Kiro, pero paepal ang hudyong ito!
“Woah!” Tinaas ni Kiro ang kamay, “mabuti pang umalis na ako bago pa ako