[Apol]
Nagkatinginan sina Rima at Ester, puno nang pagtataka ang mukha nang dalawa. "Mrs. Helger, bakit parang ang saya-saya mo yata nitong mga nakaraan? Anong mayro'n?" Usisa ni Rima.
"Oo nga, bakit parang hindi maalis ang ngiti mo sa labi? Dahil ba umalis si Mr. X kahapon at hindi mo siya makikita?" Usisa naman ni Ester.
"Hay naku, mga tsismosa talaga kayo!" Napapailing-iling nalang siya sa dalawang kaibigan niya. Wala na itong ginawa kundi bantayan ang kilos niya. Siguradong magugulat ang dalawang 'to kapag nalaman kung ano na ang stado ng relasyon nila ng asawa niya. Sabagay, kahit nga siya ay hindi rin makapaniwala sa improvement ng relasyon nila.
Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking gusto mo. Iyon ang nararamdaman niya ngayon.
"Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtataka lang dahil abot ang langit ang ngiti mo di'yan? Dati kasi araw-araw kang nakasimangot at parang nalugi! Pero ngayon para kang in love na ewan!" Puna pa ni Rima.
In love? Tumalikod siya para itago a