Inilapag ng tauhan ni Xerxes na si Lomer ang isang folder sa harapan nito. “Ayon sa source natin ay hinahanap ng matandang ito ang magkapatid. Nang mag imbestiga kami ay napag alaman namin na isa ito sa nagtatrabaho kay Marjo Darmilton. Matagal nang naninilbihan ang matandang ‘yan kay Marjo, kaya naman malakas ang hinala namin na inutusan ‘yan ng kanyang amo para hanapin ang anak nito. Ano ang gagawin natin, Mr. X? Mukhang hinahanap nila ang asawa mo. Tiyak na kukunin nila si Mrs. Helger kapag nalaman nilang narito siya sa poder mo.”
Tiim ang bagang na nilukot ni Xerxes ang hawak na impormasyon tungkol sa matanda. “Spread the fake news. Palabasin niyong namatay sa car accident ang asawa ko. Monitor their movements, Lomer, agad na ireport niyo sa akin ang mga kahina-hinalang bagay na ginagawa ng matandang ‘yon.” Kinuha niya ang isang envelope at saka ito inihagis sa kaharap. “Iyan ang floor plan ng facilities ng pagawaan ng droga ni Darmilton, gusto kong kabisaduhin niyo ang bawat deta