“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama.
Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa.
“H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!”
“T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!”
Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!”
Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito.
“A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany