Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius.
Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee.
“Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.”
Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat.
Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya.
Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano.
Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae.
Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin.
“A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil