Napalunok siya ng laway ng walang makuhang sagot dito. Ang mga naroon sa dance floor ay nagpulasan ng makita si Adius.
Nang lumapit si Adius sa kanya ng isang hakbang ay muntik niyang malunon pati ang kanyang dila. Sa sobrang dilim kasi ng kanyang mukha ay parang kakainin na siya ng buhay. Ang tingin nito ay nakaka-intimidate, kaya pati siya ay halos hindi humihinga sa intensidad na hatid nito.
Tinakpan niya ang dibdib ng makita na tumingin ito sa mababang neckline ng suot niyang pa-heart shape na tube.
Kanina naman ay walang kaso sa kanya kahit na pag-piyestahan ng mga lalaki ang dibdib niya. Feeling niya kasi ay sobrang ganda niya. Pero ngayong si Adius ang tumingin sa kanya, feeling niya ay n*******d siya. Parang tumatagos kasi ang tingin nito hanggang sa kaluluwa niya.
Juskolord! Bakit sa dinami-dami ng bar ay bakit dito pa pumunta ang hudyong ito. Ito ang first time niya na pumunta ng bar para magsaya, tapos nahuli pa siya. Ang malas naman niya.
Nang humakbang muli sa kany