“Nakahanda na ang almusal mo, SIR.” Pagdidiin ni Skye sa salitang SIR. Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na siya ng kusina nagpunta sa laundry area
Araw kasi ng paglalaba. At dahil siya ang nag-presinta na gawin siyang mutchacha, siya din ang naglalaba ng mga damit nito. Paglilinis lang kasi nag trabaho ng grupo nila lider.
Ramdam niya ang pagsunod ng tingin sa kanya ng damuho, pero binalewala niya iyon.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng ‘muntik na siyang maparusahan sa pinaka-panget na paraan. Kapag naalala niya ang ginawa ng hudyong iyon ay nanggagalaiti talaga siya sa galit.
Nang gawin sa kanya iyon ni Adius ay narealized niya na hindi talaga babae ang tingin nito sa kanya. Para sa hudyong iyon ay laruan lang siya… bayarang laruan.
Nakangusong kinusot niya ang brief nito. Naningkit ang mata niya habang nakatingin dito. “Ang laki naman ng brief niya…” salong-salo ang malaking batu-ta. Malakas na hinampas niya ito sa tubig, “Naku! Lahat nalang talaga ay malaki sa